Sa napakamura niyang edad, nagpapamalas na ng talento si Koa sa surfing, ang bunsong anak ng couple na si Andi Eigenmann at Philmar Alipayo. Tunay nga na dumadaloy sa kanyang veins ang kahusayan ng kanyang ama sa pagsu-surfing!
Credit: @andieigengirl Instagram
Kilala si Philmar Alipayo bilang isang surfing champ kaya talagang hindi na kataka-taka na mamana ng kanyang mga anak ang talento niya sa pagsu-surfing ngunit ang labis na ikinagulat at ikinabilib ng karamihan ay ang pagpapakita ng interes at pagkatuto ni Koa sa napakamurang edad.
Isang taon pa lamang ang bunsong anak ni Andi at Philmar pero marunong na itong tumayo at bumalanse sa sarili sa surfboard kahit na’y nasa ibabaw ng tubig.
Sobrang proud sa kakayahan ng kanilang chikiting, ibinahagi ni Andi sa kanyang Instagram account ang mga larawan at dalawaing maiikling video ni Koa kung saan ay makikita itong inaangat ang sarili sa surfboard at pagbabalanse nito sa kanyang sarili.
Credit: @andieigengirl Instagram
Ayon kay Andi, ang surfing umano ang motivation ng kanyang bunsong anak sa pagkatutong lumangoy.
“Of course this guy had to have a go at it too!😃 if skating was what motivated him to start walking, I guess its surfing that’s sure has been motivating him to swim so bravely and well!” sulat ni Andi sa kanyang caption.
Dahil sa pagpapamalas ni Koa ng kanyang kahusayan sa pagbabalanse ng kanyang sarili sa surfboard nang walang kahit anong guide, talagang hinangaan siya ng netizens lalo na’t isang taong gulang pa lamang siya!
Credit: @andieigengirl Instagram
“Ang galing ni Koa!!”
“Wow Koa the surfer. Teach them while their young❤️”
“Mana kay chepox. 👏”
“Amazing that a toddler wants to surf”
Credit: @andieigengirl Instagram
“Omg! Ang galing🙌❤️😍”
Hindi naman pangkaraniwan para sa mga batang katulad ni Koa na magpakita ng interes sa isang mahirap na sport pero dahil sa impluwensya ng kanyang ama na isang professional at surfing champ, at dahil na rin nasa Siargao sila naninirahan ngayon na kilala bilang “Surfing Capital” sa Pilipinas, talagang involved ang bunsong anak ni Andi at Philmar sa pagsu-surfing.
Maaga pa man para sabihin pero mukhang may promising na future si baby Koa sa larangan ng surfing!