76-year-old na ina ni Karla Estrada, sinabi kay Karla na meron siyang buwanang dalaw kaya hindi makapag-swimming

Si Karla Estrada ay kilala ng lahat bilang isang mahusay na artista, TV host at syempre isang ina.
At kung mayroon man siyang labis na maipagmamalaki sa lahat, iyon ay ang kanyang mga anak.
Sa katunayan, sa pagsikat ng kanyang anak na si Daniel Padilla ay tinagurian si Karla bilang “Queen Mother”.

Credit: Karla Estrada Instagram   

Ngunit bukod sa pagiging artista at isang ina, si Karla ay isa ring mapagmahal na anak sa kanyang mama Thelma Ilago na 76 na taong gulang na.

Kamakailan nga ay kinaaliwan ng maraming netizens ang ina ni Karla dahil sa taglay na sense of humor nito. Sa isang video kasi na ibinahagi ni Karla sa kanyang Instagram account, mapapanood si Karla na hinihikayat ang kanyang Mama Thelma na maligo sa swimming pool. Nabigla at natawa naman si Karla matapos tanggihan ng kanyang ina ang alok niya na mag-swimming.

Credit: Karla Estrada Instagram

Maririnig sa video ang pagsabi ng ina ni Karla na kaya hindi siya puwedeng maligo ay dahil may buwanang dalaw pa siya.

Sa caption ay sinabi ni Karla, “Bongga ni mama May period pa!😂😂😂 hay nakakahappy ang family namin na puro katatawanan ang alam hahahahaha!!! “

Dagdag pa ni Karla na namana umano niya sa kanyang ina ang kanyang pagiging masayahin dahil funny din ang personality nito katulad niya.

Credit: Karla Estrada Instagram

Ani Karla, “So alam nyo na San galing ang pagiging masayahin ko???😂😂😂😂”

Umani ng maraming tawa mula sa mga netizen ang nakakatawang biro ng ina ni Karla. Komento ng netizens:

“Hahahaha…may period si mama…Hahaha”

“Cute naman ni nanay comedy happy Family”

“Kaloka si madir”

“May mens pa hi nanay hahahaha”

Credit: Karla Estrada Instagram

“nyahahaha winner ung may means pa si mommy”

Sa sumunod naman na video ay mapapanood naman ang pagiging pilyo ng cute at poging pamangkin ni Karla na si Jordan.

Makikita sa video ang pagkukunwari ni Jordan na umi!hi sa fountain ng kanilang swimming pool at pag-inom nito sa tubig ng fountain. Sa background ay maririnig si Karla na natatawa sa kalokohan ng kanyang pamangkin.

Aniya, “Tingnan mo ang loko-loko na ‘to oh. Tingnan mo ang kalokohan niya, hahahaha.”