90s child star na si Goyong, gumagawa ngayon ng ingay online dahil sa kanyang Tiktok video

Ilang taon man ang lumipas, may mga bagay talaga na mananatili sa ating mga isipan katulad na lamang ng mga batang sikat noong 90s.

Credit: @levitiko_95.inc Instagram

Lalo na ang mga personalidad sa telebisyon na naging bahagi ng ating childhood memories. Mga nagbigay saya sa atin nung tayo ay mga bata pa.

Marami man ang nakalimot dulot na rin sa katagalan simula nang huli siyang nakita sa telebisyon, may mga nakakaala pa rin kay Steven Claude Goyong, ang batang star noong 90’s na talagang nagbigay kasiyahan sa karamihan.

Credit: @iamclaudegoyong Instagram

Unang nakilala si Goyong sa “That’s My Boy,” isang kompetisyon ng “Eat Bulaga”. Nang unang tumapak sa stage, kaagad nang naagaw ni Goyong ang atensyon ng mga manonood dahil sa kanyang magiliw at magaan na personalidad.

Maliban sa pagiging magiliw na bata na talagang naghahatid ng “good vibes” sa lahat, naging patok rin noong taong 1998 ang sayaw niya sa kantang “Pepito” na siyang performance niya sa Grand Finale ng sinalihang kompetisyon.

Dahil sa mahusay niyang performance simula pa man noong unang bahagi ng “That’s My Boy” na kompetisyon, nagawang mapanalunan ni Goyong ang titulo ng “first runner-up”.

Credit: @iamclaudegoyong Instagram

Ilang taon na man ang nakakalipas simula nang huling nakita si Goyong sa telebisyon, may mga nakaalala pa rin sa kanya.

Nami-miss ang panahon noong siya’y maliit pa lamang at bilang pag-alala na rin sa isa sa mga magagandang karanasan niya, minabuti ni Goyong na balikan ang nakaraan sa pamamagitan ng pagre-recreate sa kanyang sayaw sa Grand Finale ng sinalihang kompetisyon na “That’s My Boy”.

Nang ibinahagi ang video sa Tiktok kung saan ay makikita ang muli niyang pagsayaw sa kantang “Pepito,” muling naagaw ni Goyong ang atensyon ng netizens.

Katulad noon, muling nakuha ni Goyong ang damdamin ng netizens sa kanyang magiliw at nakakatuwang sayaw sa kantang “Pepito”. Dahil sa kanya, maraming netizens ang nagbalik-tanaw sa nakaraan.

Sa muling pagpapakitang-gilas ni Goyong, hindi napigilan ng netizens ang magkomento.

“Wow😍 …cute child star GOYONG…..🥰🥰🥰”

Credit: @iamclaudegoyong Instagram

“ohhh wow cute pa din🥰🥰”

“cute pa din walang pagbabago”

“bakit ganon ang galing ang cute pa🥰”

Maliban sa “That’s My Boy” ng “Eat Bulaga,” maaalala rin ang pagganap ni Goyong bilang genie sa teleseryeng “Beh Bote Nga” kung saan ay nakasama niya sina Assunta De Rossi, Anne Curtis, Janno Gibs, at marami pang iba.

Credit: @iamclaudegoyong Instagram

Matagal-tagal naman simula nang hindi nakita sa showbiz, marami namang netizens ang patuloy na umaasa na babalik si Goyong at magpapamalas ulit ng talento sa pagpapatawa at pag-arte.