Si Mon Confiado ay kilala ng lahat bilang isang mahusay na aktor. Madalas na gumaganap si Mon bilang kontrabida sa mga teleserye at pelikula na kanyang pinagbibidahan.

Ilan lamang sa mga patok na pelikula kung saan ay bumida si Mon ay ang mga Filipino historical film na “Heneral Luna” at “Goyo: Ang Batang Heneral”.
Dahil sa kanyang husay sa pag-arte, kaya naman maraming oportunidad para bumida at mapabilang sa ilang international films ang dumating kay Mon.

Isa nga rito ang kanyang pinagbidahan na Hollywood movie noong 2017 na “STATESIDE” kung saan ay gumanap siya bilang si Andrew, isang undocumented Filipino immigrant na gagawin ang lahat para mabuhay sa America.
Sa parehong pelikula rin ay nakatambal ni Mon ang napakagaling at napakagandang hollywood actress na si Olivia Hultgren. Marami ang pumuri sa tambalan nina Mon at Olivia sa nasabing Hollywood movie.

Kamakailan lamang ay nag-post si Mon sa kanyang Instagram account ng mga larawan nila ni Olivia.
Makikita sa serye ng mga larawan na ipinost ni Mon ang ilang behind the scenes picture nila ni Olivia. Kasama rito ang ilan sa kanilang intimate scenes sa pelikula.

“The very pretty and very professional leading lady of our film “STATESIDE”, Hollywood actress Olivia Hultgren,” caption ni Mon sa kanyang Instagram post.
Bukod sa kanyang Hollywood movie, ay buong ipinagmamalaki rin ni Mon ang pagganap niya sa South Korean action-adventure movie na “The Golden Holiday” kung saan nakasama niya ang ilan sa mga batikang South Korean actor na sina Kwak Do-won at Kim Sang-ho.

Noong December 16, 2020 ay ipinalabas sa Philippine cinema ang “The Golden Holiday” base sa movie poster na ibinahagi ni Mon sa kanyang Instagram.
Samantala, muli na namang ipapamalas ni Mon ang kanyang husay sa pag-arte sa international scene sa kanyang upcoming Hollywood film na “TURNCOAT”.
Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Mon ang ilang mga larawang kuha mula sa kanyang bagong hollywood film kasama ang kanyang leading lady na si Italian actress Annaluisa Capasa.

Ibinahagi naman ni Mon ang synopsis ng kanyang bagong hollywood film.
Sulat ni Mon sa caption, “A mild mannered man lives a happy and quiet life with his Italian wife in L.A. Suddenly mysterious people telling him he was a former h!tman in Manila and charging that he is someone else for whom they’ve been looking. Is this a case of mistaken identity or he has a history no one knows about? He must confront his v!olent past.”
Ang upcoming hollywood film ni Mon ay nasa ilalim ng dereksiyon ng Filipino-American indie director na si Marcial Chavez na nagderek din sa “STATESIDE”.
Sa panahong isinusulat ito ay wala pa ring ibinabahagi si Mon kung kailan at saan mapapanood ang kanyang bagong hollywood film.