Actress-vlogger na si Gabbi Garcia, nagtayo ng isang commmunity pantry sa Parañaque City

Sa panahong ito ng p@ndemya, mas lalo nating napatunayan ng mga Pilipino ang totoong diwa ng bayanihan. Maliit man kasi o malaki, sa ating sariling pamamaraan ay ginagawa natin ang ating makakaya upang matulungan ang kapwa natin sa gitna ng krisis na kinakaharap natin ngayon.

Credit: @gabbi Instagram

At isa lamang ang pagtatayo ng community pantry sa mga ginagawa ng ilan sa atin para makapagbigay ng tulong sa mga kababayan nating kapos.

Credit: @gabbi Instagram

Sa patuloy na pagdami ng mga nagtatayo ng community pantry ngayon, isa sa mga nakiisa na rin sa kanila ay ang Kapuso actress at YouTuber na si Gabbi Garcia.

Credit: @gabbi Instagram

Nitong April 21, ibinahagi ni Gabbi sa kanyang Facebook page ang ilang larawan ng ipinatayo niyang community pantry sa kanilang lugar sa BF Northwest sa lungsod ng Parañaque.

Mayroong grocery items tulad ng mga bigas, canned goods, libreng gulay, at free ice cream makukuha ang mga tao sa community pantry na itinayo ni Gabbi sa tulong ng kanilang komunidad sa kanilang village.

Credit: @gabbi Instagram

Ayon naman kay Gabbi, nais niyang ibahagi ang kanyang itinayong community pantry para magbigay ng inspirasyon sa lahat na sa kabila ng sitwasyon natin ngayon ay maari pa rin tayong makatulong sa iba sa ating munting paraan.

Credit: @gabbi Instagram

“Posting this with nothing but pure and good intentions 🤍 this is to inspire everyone that despite of the situation, we can all help each other in our own little way,” ani Gabbi sa kanyang post.

Credit: @gabbi Instagram

Nagpasalamat din si Gabbi sa mga taong tumulong at nag-donate para maisakatuparan ang kanilang community pantry.

Aniya, “thank you to our small community for making this possible! 💕 thank you also to everyone who stopped by to drop their donations.”

Credit: @gabbi Instagram

Dagdag niya, “May God Bless you more! to all the community pantries, SALAMAT SAINYO!!! Keep going! God bless your pure hearts! Tayo tayo ang magtulungan 🙏🏼❤️”

Credit: @gabbi Instagram

Si Gabriella Louise Ortega Lopez ay isang aktres, mang-aawit, modelo at vlogger. Sa kasalukuyan, bukod sa kanyang mga TV show ay abala rin si Gabbi sa paggawa ng mga vlog para sa kanyang YouTube channel na mayroon nang higit isang milyong subscribers.