Madalas napapanood noon ang pamilya ni Aga Muhlach at Charlene Gonzales sa mga patalastas ng sikat na fastfood chain na Jollibee. Ngunit bago pa dito ay gumawa na ng kani-kaniyang pangalan sila Aga at Charlene.
Credit: @agamuhlach317 Instagram
Si Aga ay kilala bilang isa sa mga gwapong at magaling na aktor ng industriya. Ang kanyang asawa naman na si Charlene ay nakilala sa buong mundo dahil sa kanyang pagsali sa Miss Universe. Bukod pa rito ay pumasok din si Charlene sa showbiz kung saan ay nakilala siya sa kanyang galing sa paghost, pagsayaw, at pag-arte.
Kamakailan lang ay nagkaroon ng media conference si Aga para sa kanyang show na “Bida Kayo Kay Aga” at dito ay sinabi ni Aga na ready na magbalik trabaho ang kanyang asawang si Charlene lalo na at nasa ibang bansa ngayon ang kanilang mga anak na sila Atasha at Andres para doon ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral sa kolehiyo.
Credit: @agamuhlach317 Instagram
“I think she’s ready to work naman because the kids are away.”
Pabirong sinabi ni Aga, “Gusto niya, sana kunin siya ng NET 25. Ha-hahaha!”
Sinundan pa niya ito ng, “CRV, Ma’am Wilma (Galvante).”
Bukod pa dito ay sinabi ni Aga na na kay Charlene ang desisyon kung gusto niya ulit maghost ng isang dance show.
Credit: @agamuhlach317 Instagram
“I think she’s ready to work now, she wants to,” sinabi ni Aga.
Ngayon ay abala si Aga sa paghohost ng kanyang game show na “Tara Game, Agad agad” at may paparating pa siyang isa pang show na “Bida kayo kay Aga”. Ang mga naturang show ay proyekto at ipapalabas sa Net25.
Sinabi ni Aga na masaya siya sa kanyang proyekto ngayon dahil sa pamamagitan nito ay napapasaya niya at natutulungan ang mga masa at mga nangangailang na katulad ng mga security guards, kasambahay, vendors, at marami pang iba.
Credit: @agamuhlach317 Instagram
“Itong programang ito para sa inyo, gusto ko mag-enjoy kayo, masaya kayo sila ang mga contestants natin, nakakausap ko sila from security guard to kasambahay, mga market vendors marami pa ‘yan, iba-iba ‘yan then itong Bida Kayo Kay Aga, again kung fish vendor ka, security guard, market vendor ka, bida ka sa akin.”