Agaw-pansin ngayon sa social media ang bunsong anak ni Dimples Romana na si Alonzo dahil sa taglay na kagwapuhan

Kilala si TV actress Dimples Romana ng lahat bilang isang mahusay na artista. Mas tumatak si Dimples nang gumanap siya bilang si Daniela Mondragon-Bartolome sa Kapamilya drama series na “Kadenang Ginto”. Pinahanga ni Dimples ang lahat dahil sa kanyang mahusay na pagganap bilang kontrabida.

Credit: @dimplesromana Instagram           

Bukod sa galing niya sa pag-arte, hinahangaan din si Dimples sa kanyang mahusay na pamamahala sa mga pinaghirapan niyang pera.

Credit: @dimplesromana Instagram

Ngunit si Dimples ay hindi lamang mahusay sa pag-arte at pamamahala ng kanyang pera. Kilala rin siya ng marami bilang isang mapagmahal na asawa sa kanyang asawang si Boyet Ahmee at isang supportive at hands-on na ina sa kanyang dalawang anak na sina Callie at Alonzo Romeo Jose.

Credit: @dimplesromana Instagram

Sa ngayon, ay abala ang panganay na anak ni Dimples sa kanyang pag-aaral dahil nakatakda itong kumuha ng kurso sa pagpi-piloto sa ibang bansa. Suportado nila Dimples at Boyet ang pangarap ng anak kaya ngayon doble kayod ang aktres.

Credit: @dimplesromana Instagram

Ang kanyang bunsong anak naman ay madalas nagbibigay-saya sa social media dahil sa kanyang mga nakakaaliw na TikTok video.

Sa Instagram page ni Dimples ay bumaha ang napakaraming video ni Alonzo na nagti-TikTok.
Dahil madalas siyang nakikita sa social media, hindi maiwasan na mapansin ng netizens ang taglay na kagwapuhan ng bunsong anak ni Dimples.

Credit: @dimplesromana Instagram

Sino ba namang hindi mabibighani sa taglay na kagwapuhan at kacute-an ni Alonzo? Maswerte si Alonzo dahil namana niya ang good genes ng kanyang mga magulang na parehong maganda at gwapo.

Credit: @dimplesromana Instagram

Hindi maipagkakaila na napaka-talented din ni Alonzo. Sa mga TikTok videos nito ay kapansin-pansin ang galing nito sa pagsasayaw.

Credit: @dimplesromana Instagram

Madalas mag-isa lang si Alonzo na nagti-TikTok ngunit minsan naman ay sinasabayan siya ng kanyang mga magulang at ate sa paggawa ng mga sikat na TikTok video challenge.

Credit: @dimplesromana Instagram

Sa kanyang murang edad ay kakikitaan na rin si Alonzo ng potensyal na maging isang artista kagaya ng kanyang Mommy Dimples.

 

View this post on Instagram

 

Inubos ang kindat ng tiktoker kong bunso 😂❤️💋😍🥰 #AlonzoRomeoJose

A post shared by Dimples Romana (@dimplesromana) on

Sa katunayan, ay lumabas na sa maraming advertisement si Alonzo kasama ang kanyang Mommy Dimples.

Credit: @dimplesromana Instagram

Kagaya ng kanyang Mommy Dimples, ay napaka-natural na tingnan ni Alonzo sa camera. Namana rin ni Alonzo ang pagiging kwela ng kanyang amang si Boyet. Sa YouTube channel ni Boyet, ay mapapanood ang kulitan nilang mag-ama.

Credit: @dimplesromana Instagram

Nitong February 12 lamang ay nagdiwang ng kanyang ikalimang kaarawan si Alonzo kung saan ay sinorpresa siya ng kanyang Mommy Dimples nang magsuot ito ng ‘Iron Man’ costume sa kanyang birthday party.

Credit: @dimplesromana Instagram

Samantala, kabilang si Dimples sa mga Kapamilya star na mapapanood sa bagong blocktimer show ng TV5 na “Oh My Dad” kasama sina Ian Veneracion, Sue Ramirez at marami pang iba.