Mula nang magsimula ang p@ndemya, naging numero unong pampaalis na ng pagkaburyo o boredom ng maraming Pinoy ang pagti-TikTok. Isa nga ang mga Pinoy sa mga madalas gumawa o magpasikat ng mga dance challenge sa TikTok. Talagang hindi magpapahuli ang mga Pinoy sa kantahan, paggawa ng mga nakakaaliw na videos o parody, at lalong-lalo na sa sayawan.
Credit: @msaiaidelasalas Instagram
Tila araw-araw namang may bagong dance challenge sa TikTok. Ngayong 2022, isa sa mga nauusong TikTok dance challenge ay ang dance challenge ng kanta ni American Pop singer Britney Spears na “Tox!c”.
Marami na rin ang kumasa sa challenge at kabilang dito ang komedyante at aktres na si Ai Ai delas Alas na hindi lamang simpleng pagsayaw ang ginawa!
May twist kasi ang bersyon ni Ai Ai ng nasabing dance challenge kung saan kinabog niya ang ‘ice queen’ na si Elsa nang sayawin niya ang “Toxic” sa gitna ng nagyeyelong klima sa Amerika.
Credit: @msaiaidelasalas Instagram
Sa video na ibinahagi ni Ai Ai sa kanyang TikTok account, mapapanood ang todo-hataw niyang pagsayaw habang tila hindi iniinda ang -7 degrees na temperatura.
Caption niya rito, “Tata tumbling sana ko kaso…waley hahaha”
View this post on Instagram
Sa kanyang IG post, sinabi naman ni Ai Ai, “Tumbling sa snow pero…ngnga..toxic talaga pati sayaw well para in lang…salamat ulit sa cameraman ko”
Kalakip ng post ni Ai Ai ay mga hashtag na “fant@nga”, “memagawalangsasnow”, “paandar 2022”, “laban sa -7 degrees”, at “snow dancer”.
Samantala, aliw ang hatid ng TikTok video na ito ni Ai Ai sa maraming netizens. Komento nila:
“elsa left the group ikaw ang reyna ng mga nyebe mommy”
Credit: @msaiaidelasalas Instagram
“Ikaw na madam Ai. Pinainit Ang malamig na weather natin”
“Saya!!! Nakakahawa ang kabaliwan at happiness within you”
“Snow dance challenge hahahhaha! Kaya pa? Basta walang hangin kaya yan. Hhahah”
Matatandaang noong Disyembre 2021 ay umalis si Ai Ai at ang kanyang mister na si Gerald Sibayan patungong Amerika.
Credit: @msaiaidelasalas Instagram
Bumuhos din ang mga tanong ng kanyang fans kung permanente na bang titira sina Ai Ai at Gerald sa Amerika dahil sa kanyang naging caption sa kanyang IG post kung saan sinabi niyang, “Parang para sa amin ang caption… yes NORTH VIRGINIA HERE WE COME… OUR JOURNEY BEGINS HERE.. thank you dear LORD and mother MARY… we landed safely…love you my darling this is it start na ng buhay naten together.”
Kalaunan ay nilinaw naman ni Ai Ai na magbabakasyon lamang silang mag-asawa sa Amerika at babalik din ng Pilipinas.