Ai-Ai Delas Alas, proud na proud sa kanyang unica hija na si Sophie na magtatapos ng kolehiyo!

Walang katumbas ang saya na nararamdaman ngayon ng komedyante at aktres na si Ai-Ai Delas Alas dahil magtatapos na ng kolehiyo ang kanyang bunsong anak at unica hija na si Sophia Andrea.

Credit: @sophdelasalas Instagram

Tulad ng ibang magulang, pangarap din ni Ai-Ai na mapagtapos ang kanyang anak kaya naman hindi niya mapigilang maging proud dahil natupad na ito.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Ai-Ai ang graduation picture ng kanyang napakagandang anak. Ayon kay Ai-Ai, magtatapos ang kanyang anak sa kurso nitong Bachelor of Science Major in Early Childhood Education.

Credit: @msaiaidelasalas Instagram

“Una sa lahat CONGRATULATIONS aking bunso at only daughter ko (Bachelor of Science Major in Early Childhood Education graduate) SOPHIA ANDREA DELAS ALAS at gagraduate na [siya] sa wakas wohoooo,” ani Ai-Ai sa kanyang Instagram post.

Maihahalintulad naman ni Ai-Ai sa isang acting award at trophy ang pagtatapos ng kanyang anak. Para kay Ai-Ai, katumbas ng isang espesyal na award sa pag-arte ang pagtatapos ng kanyang anak sa kolehiyo.

Ayon din kay Ai-Ai, utang niya sa Poong Maykapal at kay Mama Mary ang lahat dahil sa Kanila umano siya kumukuha ng lakas upang maitaguyod ang pag-aaral ni Sophia.

Credit: @sophdelasalas Instagram

Aniya, “[Nagpapasalamat] ako sa POONG MAYKAPAL AT MAMA MARY sa pag gabay sa akin bilang isang ina na maitaguyod ko ang pag aaral ng aking anak.”

Dagdag niya, “[Naiiyak] ako sa tuwa aktwali naiiyak talaga ko so iiyak nako hehe 🥲😂 parang nabigyan ulit ako ng papal award at international acting award sa nangyareng ito sobra sobrang trophy ito anak bawat magulang ay [iyan] ang pangarap ang mapagtapos ang kanilang mga anak.”

Pinasalamatan din ni Ai-Ai ang mga taong naging bahagi ng tagumpay ng kanyang anak.

Ani Ai-Ai, “[Nagpapasalamat din ako kay miguel ( papa ni budang)at sa kanyang maybahay na si pricilla dahil noong wala pa kaming bahay sa amerika doon tumira ang anak ko habang nag aaral sya ng [high school] at first year college salamat @priscillasalud”

Credit: @sophdelasalas Instagram

Kabilang din sa mga pinasalamatan ni Ai-Ai ang De La Salle University, ang eskwelahan kung saan magtatapos ang kanyang anak.

“[Napakaagang pang valentines at pa bday ni lord ito pa ra sa akin .. salamat DLSU sa ilang taong pamamalagi nya sa unibersidad na yan.”

Sa huli, inihayag ni Ai-Ai na sobra niyang ipinagmamalaki ang kanyang anak.

Aniya, “[I am] so proud of you baby girl budangdin, budang kulotski, budaski .. andrea .. i love you so dearly anak @sophdelasalas.”

Credit: @sophdelasalas Instagram

Si Ai-Ai ay mayroon pang dalawang anak na sina Sancho Vito at Sean Nicolo. Si Sancho ay pumasok na rin sa showbiz at kasalukuyang napapanood sa Kapamilya teleserye na “FPJ’s Ang Probinsyano”.

Taong 2017 naman nang pinakasalan ni Ai-Ai ang kanyang mister ngayon na si Gerald Sibayan.