Aiko Melendez, emosyonal habang binabalikan ang hirap na kanyang pinagdaanan bilang isang single mom para mairaos ang pag-aaral sa kolehiyo ng panganay na si Andre Yllana

Pangarap ng isang magulang na makita ang kanyang anak na makatapos ng pag-aaral. Kakaibang saya ang hatid para sa isang magulang na makitang unti-unting natutupad ng kanyang anak ang mga pangarap nito.

Credit: @aikomelendez Instagram

Ngayong buwan naman ng Hunyo ay maraming kabataan ang nagtapos at marami rin ang mga magulang na hindi maiwasang maging emosyonal habang binabalikan ang hirap na kanilang sinuong para lamang maitaguyod ang pag-aaral ng kanilang anak.

Kabilang nga rito ang aktres na si Aiko Melendez na ipinagdiriwang kamakailan ang isang milestone sa buhay ng kanyang panganay na anak na si Andre.

Credit: @aikomelendez Instagram

Si Andre ay ang anak ni Aiko sa kanyang dating partner na si TV actor-turned-politician Jomari Yllana na nagtapos ngayong buwan sa kanyang kursong Automobile Mechanic sa Don Bosco Technical Institute of Makati.

Sa kanyang Instagram, inihayag ni Aiko kung gaano siya ka-proud sa kanyang anak sa pagtatapos nito.

Credit: @aikomelendez Instagram

Ani Aiko, “Congratulations my Panganay! @andreyllana after so many trials, dramas…. This is legit 💚 I love You anak! You’ve made your mother so happy and I couldn’t be more proud of you! Thank you for keeping your promise 💚 Graduate ka na!!!!”

Samantala, sa isang hiwalay na post inamin ni Aiko na hindi naging madali ang kanyang mga pinagdaanan bilang isang single mom para lang mapagtapos si Andre ng pag-aaral.

“As I write this, I can’t help but be emotional. Una kasi di madali ung pinagdaanan ko para mapagtapos ko Anak ko yes on my own. Single mom ako dba . Not complaining. I remember there were days na i was lacking in terms of financial at that time, Mader Ogie Diaz somehow knows my story. It’s a story of my UPS and DOWNS,” ani Aiko sa kanyang post.

Credit: @aikomelendez Instagram

Binalikan din ni Aiko ang panahon kung saan ay ginawa niya ang lahat para maigapang ang pag-aaral ni Andre.

“Kasi my Son was going through a d3pression at that time,umabot sa time nag campus tour kami ng anak ko From Ateneo, Lourdes, Colf pero sabi ko di ko susukuan anak ko igagapang ko yan. Panganay ko yan gagawin ko ang lahat just to make him finish College,” kwento ni Aiko.

Ayon pa kay Aiko, saksi ang kanyang mga kaibigan sa showbiz sa lahat ng kanyang paghihirap mairaos lamang ang edukasyon ng anak.

Credit: @aikomelendez Instagram

“Few of my friends know hirap ako talaga. (May) oras sunod sunod tanggap ako ng tanggap ng work para to meet our payables and all,” sabi ni Aiko.

Sa huli ay nais namang iparating ni Aiko kay Andre na sobrang proud niya bilang ina nito.

Ani Aiko, “You know I just want only the best for you. Di man tayo kumpleto pero binuo mo and ni Marthena ang buhay ko 🙂 Love you son !!!! Cheers”