Aiko Melendez, naiyak dahil sa mga salitang sinambit ni Ogie Diaz tungkol sa kanya at sa kanyang mga anak

Hindi man alam ng karamihan pero sobrang close talaga sa totoong buhay ang Kapuso aktres na si Aiko Melendez at ang talent manager at komedyante na si Ogie Diaz. Hindi man masayadong nakikitang magkasama ang dalawa sa harap ng kamera pero enjoy na enjoy naman si Aiko at Ogie sa tuwing sila’y magkasama.

Credit: Aiko Melendez YouTube

Kamakailan lamang nang naging bahagi na rin ng grupong “Wa Echos” si Aiko na pinapangunahan ng kaibigan na si Ogie. Sa isang vlog ng aktres nito lamang June 28 kung saan ay magkasama sila ni Ogie Diaz ay ibinahagi ni Aiko ang mga karanasan niya bilang isang single mother at kung paano niya nakayanang lagpasan ang lahat ng pagsubok na dumaan sa kanyang buhay.

Credit: Aiko Melendez YouTubes

Isa sa napag-usapan ni Aiko at Ogie ay ang ama ng kanyang dalawang anak na si Andre Yllana at Marthena Jickain. Hindi naman napigilan ni Ogie na magtanong kung may pagsisisi ba si Aiko sa relasyon ng dating partner na si Jomari Yllana na hindi umano masyadong nagbibigay ng effort bilang ama ni Andre.

Credit: Aiko Melendez YouTube

“Hindi kasi siyempre, kahit paano ay nabigyan niya ako ng isang anak na tapos na ngayon ng college. Thank you, Lord!” sagot naman ni Aiko.

Credit: Aiko Melendez YouTube

Sa chikahan nila ay natanong din ni Ogie kung nahirapan ba siya sa pagpapalaki sa mga anak pero ang tanging sagot ni Aiko ay hindi naman lalo na’t katuwang niya si Ogie na handang tumulong.

Nasabi rin ng aktres na si Ogie umano ang taong nag-udyok sa anak na tapusin ang kolehiyo.

Credit: @aikomelendez Instagram

“You’re just always there to guide Andre. Guidance lang ang sinasabi mo sa kanya. Anak, ‘wag kang magpariwara. Tapusin mo ang pag-aaral mo tapos gawin mo kung ano ang gusto mo na hindi ka nakakas@kit ng tao, nakakatapak ng tao. Iyan ang lagi mong pang-aral sa kanya na lagi kong bitbit sa akin.”

Credit: @aikomelendez Instagram

“Kaya ‘yan isa sa pinapasalamat ko sa’yo, Mother kasi ang turing mo sa mga anak ko, parang mga anak mo na rin,” pasasalamat ni Aiko.

Credit: Aiko Melendez YouTube

Sa kabila ng pagiging single mom ay maayos na napalaki ni Aiko ang dalawang anak at napagtapos pa nga ng pag-aaral si Andre. Ayon sa aktres ay isa umano si Ogie sa mga taong unang sinabihan ng panganay na anak na siya ay graduate na sa college.

Bago matapos ang vlog ay pinangukuan ni Ogie si Aiko na kung sakaling mawala man siya sa mundo at nandidito pa siya ay sasaluhin niya umano ang responsibilidad kay Andre at Marthena. Dahil doon ay naging emosyonal si Aiko at taos-puso ang pasasalamat sa pagkakaroon ng kaibigan na katulad ni Ogie.