Aiko Melendez, naluha sa ginawa ng anak na si Andre Yllana nang matanggap nito ang kanyang unang sahod

Talagang proud na proud si Aiko Melendez sa kabutihan ng kanyang panganay na si Andre Yllana! Hindi lingid sa kaalaman ng karamihan na mag-isang itinaguyod ni Aiko ang mga anak na sina Andre Yllana at Marthena Jickain.

Credit: @aikomelendez Instagram

Maliban sa pagkakakilanlan ni Aiko bilang isang sikat na aktres sa industriya ng showbiz ay hinahangaan din siya ng kanyang fans dahil sa pagiging mabuti niyang ina sa dalawang anak.

Mag-isa man ay nagawa pa ring mapagtagumpayan ni Aiko na palakihin ng maayos ang mga anak. Ngayong 23 taong gulang na, nananatili pa ring masunurin at “generous” si Andre sa kanyang Mommy Aiko.

Credit: @aikomelendez Instagram

Sa labis na tuwa at pasasalamat ni Aiko sa kabutihang puso ng kanyang panganay, nagbahagi siya ng kuwento tungkol sa anak nang nakatanggap ito ng kanyang unang sahod sa trabaho na talagang ikinatuwa ng netizens.

“Share ko lang … Nung una sumeweldo si Andre @andreyllana alam nyo ba ano una nya ginawa?” pahayag ni Aiko sa unang bahagi ng kanyang kuwento kalakip ng mga larawan ng kanyang gwapong anak.

Credit: @aikomelendez Instagram

Pagpapatuloy ni Aiko, “He treated the whole family for dinner ♥️ tapos binilhan nya lola nya Elsie Castaneda ng apple watch sabi nya mama ano gusto mo?”

Ayon naman kay Aiko, pinayuhan niyang ipunin na lamang ni Andre ang natanggap nitong unang sweldo at tsaka na lamang sila bilhan ng mga regalo.

“Sabi ko anak tago mo muna mag ipon ka. Kapag naka ipon ka na dun mo na ako uli bilhan ng sa tingin mo pwede mo iregalo sa akin,” payo ni Aiko sa anak.

Credit: @aikomelendez Instagram

Maliban sa kanyang Mommy Aiko ay tinanong rin daw siya ni Andre kung ano nga ba ang magandang ipangregalo sa babaeng kapatid na si Marthena at pinangakuan pa ang boyfriend ng aktres na si Vice Governor Jay Khongkun na ililibre umano kapag tapos na ang [email protected]

Dahil sa kabaitan at palaging pag-iisip ni Andre sa kanyang pamilya, hindi umano naiwasan ni Aiko ang maging emosyonal. Of course, bilang isang ina, talagang mata-touch ka sa kabutihang puso ng iyong anak.

Credit: @aikomelendez Instagram

“Naluha ako slight kasi di ko akalain lahat kami nasa isip nya. Di man million pa kinikita ng anak ko pero likas sa kanya ang pagka generous kaya alam ko Andre iblessed ka ni Lord🙏 kasi di ka madamot…” pahayag ni Aiko sa kanyang post.

Talagang nakakahanga ang kabutihang puso ni Andre lalo na ang kanyang mommy Aiko dahil matagumpay niyang pinalaki ang anak.