AJ Raval, malaki ang pasasalamat sa legal wife ng kanyang amang si Jeric Raval dahil minahal at tinanggap siya nito

Lumaki sa hindi pangkaraniwang pamilya ang aktres na si AJ Raval. Si AJ ay ang napakagandang anak ng action star na si Jeric Raval sa dating aktres na si Alyssa Alvarez. At hindi tulad ng iba, lumaki si AJ sa poder ng kanyang stepmother na legal wife naman ni Jeric na si Holiday.

Credit: @ajravsss Instagram

Sa isang artikulo na inilathala ng Pep.ph, ikwenento ni AJ kung gaano kaganda ang relasyon niya sa kanyang stepmother na tinatawag din niyang “Deyow”.

Napakaganda ng relasyon ni AJ sa kanyang stepmom dahil pinalaki siya nito mula pa noong siya ay 3 taong gulang hanggang siya ay nag-14 na taong gulang.

Inamin ni AJ na noong bata pa siya akala niya totoo niyang ina si Holiday.

Ani AJ, “Yes, kay Deyow ako lumaki and dala-dala ko ang family name niya. To be honest, siya talaga ang alam ko na mother ko nung bata pa ako.”

Credit: @ajravsss Instagram

Tunay din umanong minahal ni AJ ang kanyang stepmother dahil tinanggap at pinalaki siya nito ng maayos.

Ani AJ, “Of course, minahal ko si Deyow. Inalagaan niya ako, minahal, tinanggap, pinalaki na maayos, at tinuruang makipag-kapwa tao.”

Labis namang nalungkot si AJ noong umalis siya sa pangangalaga ng kanyang stepmother para bumalik sa kanyang tunay na ina.

Pag-amin pa ni AJ, “Siyempre, malungkot ako dahil iiwan ko na si Deyow at ang mga kapatid ko na kasama kong lumaki.”

Credit: @ajravsss Instagram

Sa huli ay taos-pusong pinapasalamatan ni AJ si Holiday dahil sa pag-aalaga nito sa kanya.
Inihayag din ni AJ na mahal na mahal niya ang kanyang ama at si Holiday.

Saad ni AJ, “Thank you for taking care of me, sa lahat ng pag-iintindi kahit minsan may katigasan ang ulo ko, pero I love them so much.”

Dagdag ni AJ na palagi niyang ipinagdadasal na malusog, ligtas at masaya sina Jeric at Holiday.

Samantala, isa lamang si AJ sa labinwalong anak ni Jeric mula sa iba’t ibang babaeng kanyang nakarelasyon.

Ibinahagi ni AJ na sobrang close nilang magkakapatid kahit napakarami nila at mula pa sa iba’t ibang ina.

Credit: @ajravsss Instagram

“Kilala ko ang lahat ng mga kapatid ko, sila lang ang barkada ko. Close talaga kami, walang samaan ng loob at lahat kami ay nagmamahalan,” ani AJ.

Kwento pa ni AJ, pinalaki umano sila ni Jeric sa paraang hindi nila iniisip na magkapatid lamang sila sa ama.

Ani AJ, “Ang sabi ng tatay ko, walang kapatid sa labas. Kapag kapatid mo, kapatid mo.”

Si AJ ay 26 taong gulang na at kasalukuyang isang artista sa ilalim ng Viva Artists Agency.