AJ Raval, sinagot na ang espekulasyon ng netizens tungkol sa relasyon niya kay Aljur Abrenica

Nang kumalat ang balitang hiwalay na sina Kylie Padilla at Aljur Abrenica, maraming netizens ang halos hindi makapaniwala lalo na’t napakaganda naman ng takbo ng kanilang relasyon, kapiling ang kanilang dalawang anak.

Credit: @ajabrenica Instagram

Sa pagputok ng balitang ito, maraming spekulasyon ang lumitaw sa hiwalayan nina Kylie at Aljur. Maraming netizens ang nagsuspetsya na may “third party” umano pero walang anumang basehan ito upang mapatunayan na totoo at meron nga.

Sa paghihiwalay nina Kylie at Aljur, umugong ang pangalan ng aktres na si AJ Raval matapos mag-viral ang isang larawan sa Facebook kung saan ay makikitang topless si Aljur na ayon sa netizens ay kuha umano sa labas ng kwarto ni AJ.

Credit: @ajravsss Instagram

Matapos ang matagal na spekulasyon ng netizens, sa wakas ay nagsalita na si AJ Raval at inamin sa isang interview na kasalukuyan ngayong nanliligaw si Aljur Abrenica sa kanya.

“Yes, totoo po. Hindi na ako magpapakaipokrita. Hindi na ako magsisinungaling, ‘di po ako magde-deny kasi mukha lang kaming tanga kapag nag-deny kami. Well, totoo naman na nag-uusap kami,” pahayag ng 26 taong gulang na aktres.

Credit: @ajravsss Instagram

Sa rebelasyon na ito ng aktres, bagama’t marami man ang nagdududa na may namamagitan nga sa kanilang dalawa, hindi pa rin naiwasan ng mga ito ang magulat.

Kilala si AJ bilang isang sexy at hot na aktres na talagang kinahuhumalingan ng mga kalalakihan. Maaalalang nagkasama ang aktres at si Aljur sa pelikulang “Nerisa” kung saan nagsimulang mapalapit ang kanilang loob sa isa’t-isa.

Credit: @ajabrenica Instagram

Ayon sa aktres, nagkakamabutihan umano sila ni Aljur pero hanggang ngayon ay mas pinili ni AJ na huwag munang pangalanan ang kanilang relasyon.

“Nag-uusap kami. We understand each other. We care for each other pero wala pa kami sa point na may relasyon kami. Parang getting to know,” ayon kay AJ.

Matapos ang rebelasyon ni AJ tungkol sa relasyon nila ni Aljur, muling nabuhay ang isyu sa hiwalayang nangyari sa pagitan nina Kylie at Aljur. Matapos ang ilang buwang pananahimik, sa wakas ay nagsalita na si Kylie at ipinahayag ang kanyang damdamin sa Twitter.

Credit: @ajabrenica Instagram

“Guys there is no issue. We separated April pa and we have already mutually agreed to date other people. Please stop dragging other parties into this. I have no intention of disclosing anymore of what happened because I want to cherish the littlest ounce of privacy I have left,” pahayag ni Kylie sa issue.

Credit: @ajravsss Instagram

Ngayong hiwalay na, napagkasunduan naman nina Kylie at Aljur na okay para sa kanila ang makipag-date sa iba basta ang importante ay ang kaligayahan ng mga anak.

Dahil sa pagputok ng isyu na ito, nakaabang na nga halos ang lahat sa susunod na rebelasyon ng kanilang relasyon.