Talagang kakaiba ang talentong Pinoy!
Matagumpay man ang karerang nabuo dito sa Pilipinas, hindi pa rin kinalimutan ni Alex Diaz ang pangarap na mapasali sa isang “Hollywood project” upang mas maipamalas pa ang kanyang talento pagdating sa pag-arte.
Credit: @alexandermcdizz Instagram
Sa determinasyong matupad ang matagal nang pinapangarap, hindi pinalagpas ni Alex ang pagkakataon niyang mapasali sa “Glitter and Doom”. Sa hindi niya pag-aakala, siya pa ang gaganap sa bidang karakter na si Glitter!
Nakaramdam ng labis na kasiyahan sa kauna-unahan niyang proyekto sa ibang bansa, masayang ibinahagi ni Alex ang magandang balita sa Instagram.
“Finally able to announce my first international film #GlitterAndDoomTheMusical where i will be starring as Glitter alongside my lovely onscreen partner, the extremely talented Alan Cammish, a British actor from the UK who will be playing Doom!” pahayag ni Alex sa kanyang caption kalakip ng mga larawang kuha niya sa set.
Credit: @alexandermcdizz Instagram
Kasama sa proyekto ang matatagumpay na mga artista mula sa iba’t-ibang bahagi ng mundo, hindi mapigilan ni Alex na ma-starstruck. Bagama’t sikat man bilang isang aktor sa sariling bansa, grabe pa rin ang paghangang nararamdaman ni Alex sa tuwing nakakasama ang Hollywood stars.
“Holy smokes. Meeting them all was incredible. I definitely was starstruck and I let them all know the moment we met!”
Credit: @alexandermcdizz Instagram
Ibinahagi rin ni Alex ang karanasan niya sa pagganap sa pelikula bilang anak ng aktres na si Ming-na Wen, isang Asian-American na aktres o mas kilala ng karamihan bilang ang babaeng nasa likod ng boses ni Mulan.
“My mama, Ivy is played by the beautiful and timeless Ming-na Wen!” proud na sabi ni Alex.
Ayon sa aktor, “intimidated” umano siya nang unang nakita si Ming-na Wen pero kaagad naman daw silang nagkamabutihan nang parehong umarte sa iisang scene.
Dagdag pa ni Alex, “I think we hit off really well and have developed a great Mother/Son dynamic on-screen, as well as a friendship offscreen. Ivy and Glitter have a very interesting dynamic that I know you will all love to watch and Ming-na adds a dimension to her that I wouldn’t have picked up while reading the script.”
Credit: @alexandermcdizz Instagram
Kuwento pa ni Alex, marami umanong naituro si Ming-na Wen sa kanya na labis niyang ipinagpapasalamat.
“She’s also taught me so much about acting and nuance in the short time we’ve been working together,” sabi ni Alex.
Ang “Glitter and Doom” ay isang inaabangang LGBTQIA+ musical na pelikula na pinagbibidahan ni Alex Diaz at Alan Cammish, isang British na aktor.
Credit: @alexandermcdizz Instagram
Wala pa mang opisyal na anunsyo kung kailan ito ipapalabas, labis na ang suportang ibinibigay ng Pinoy fans.