Sabi nila, utang natin ang ating buhay sa ating mga ina. At walang bagay o anumang halaga ng pera ang makakatumbas sa kanilang mga sakripisyo para lamang tayo ay palakihin, gabayan at suportahan upang tayo ay magtagumpay sa buhay. Kaya naman wala ng mas isasaya pa para isang anak kundi ang makita ang kanyang ina na naluluha sa labis na kaligayahan.
Credit: @ea_guzman Instagram
Nasa likod nga ng tagumpay ng aktor na si Edgar Allan Guzman ang kanyang ina na nitong Pasko ay hinandugan niya ng isang napaka-espesyal na regalo na walang iba kundi isang bagong bahay.
Mukhang matagal nang ipinagawa ng aktor ang kanyang regalong bahay sa kanyang ina at nitong Pasko lang niya ito tuluyang naibigay dito.
Sa kanyang Instagram account, nagbahagi si EA ng isang video kung saan mapapanood ang pagsosorpresa niya sa kanyang ina ng isang bagong bahay.
Credit: @ea_guzman Instagram
Kasama ng aktor ang kanyang mga kapatid at kasintahang si Shaira Diaz nang dalhin niya ang kanyang ina sa bagong bahay na ipinatayo niya bilang Christmas gift dito.
Sa video, excited na ginabayan ni EA ang kanyang ina na naka-blindfold papunta sa harap ng isang moderno at napakagandang bahay.
At hindi na nga napigilan ng ina ni EA na maluha nang bumuluga sa kanya ang isang magandang two-storey house, lalo na nang sabihin ni EA na bagong bahay niya ito.
Credit: @ea_guzman Instagram
Emosyonal na napayakap na lamang ang ina ni EA sa kanya na tila hindi ito makapaniwala sa regalo ng kanyang anak.
Sa huli, inilarawan naman ni EA bilang isang “priceless moment” sa kanyang buhay ang pagsosorpresa niya sa kanyang ina ng isang bagong bahay.
Aniya sa caption ng kanyang IG post, “About last night. Priceless moment ng buhay ko. Ito ay para sa iyo! Maligayang Pasko, Ma! Enjoy your new house, AKO NAMAN MA.”
View this post on Instagram
Samantala, maraming netizens ang naantig sa ka-sweetan at pagiging mapagbigay na anak ni EA sa kanyang magulang. Komento nila:
“God bless you more, EA your mom’s reaction got me crying”
Credit: @ea_guzman Instagram
“Congrats kuya EA at ung mama mo kahit sa mata lang ramdam na ramdam ko yun sobrang saya nya. She must be very proud of you as a son.”
“naiyak ako kc ramdam ko bilang ina, mabait kang anak kc mas inalala mo pa rin ang mama mo…God bless you more in return.”
Credit: @ea_guzman Instagram
Hindi lingid sa kaalaman ng marami na matagal na sa showbiz si EA. Matatandaang nakilala siya pagkatapos niyang sumali sa segment program ng Eat Bulaga na “Mr. Pogi” noong 2006.
Sa kasalukuyan, isa si EA sa mga hinahangaan ng marami hindi lamang bilang isang aktor kundi bilang isang singer, host, dancer at model.