Walang paligoy-ligoy na sinagot ng aktor na si Gerald Anderson ang tanong ng TV host na si Boy Abunda kung ang aktres ba na si Julia Barretto ang dahilan kung bakit masaya ang estado ng kanyang puso ngayon.
Credit: @andersongeraldjr Instagram
Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita na si Gerald tungkol sa estado ng relasyon nila ng kanyang ‘rumored girlfriend’ na si Julia.
Sa isang eksklusibong panayam sa kanya ng TV host, kinumpirma ni Gerald ang matagal nang espekulasyon ng lahat na ang napakagandang aktres nga ang nagpapasaya sa kanyang puso ngayon. Tinanong ng kilalang TV host si Gerald kung masaya siya dahil kay Julia na sinagot naman nito ng isang napakatamis na “oo”.
Credit: @juliabarretto Instagram
Ani Gerald, “Yes, Tito Boy. I am. [I’m] very happy, Tito Boy. It’s a yes.”
At bagaman hindi siya tinanong nang diretso ni Tito Boy kung sila na ba ng aktres ngayon, kitang-kita naman sa mga mata at ngiti ni Gerald na may pinagsasaluhan silang espesyal na relasyon ni Julia.
Sa nasabing panayam ay napag-usapan din nila ang mapait na paghihiwalayan noon ni Gerald at ng kanyang dating kasintahan sa loob ng tatlong taon na si Bea Alonzo.
Credit: @juliabarretto Instagram
Ibinunyag ni Gerald na malaking “shock” para sa kanya ang lahat ng nangyari lalo na ng mainit na pinag-usapan sa social media ang hiwalayan nila ni Bea.
Kwento ni Gerald, “Lalo na itong last was ang pait, ang lala… Ang pinakamasakit pa is what I’ve heard even behind the cam. ‘Yung mga nakarating sa akin, ‘yung intimate moments namin bilang boyfriend-girlfriend. Parang, kailangan ba talaga umabot sa ganito?”
Dagdag niya, “At that point nung pumut0k, I’ve had my moments na parang, ‘Oh my God. Paano ko nalagay ‘yung sarili ko sa ganitong [sitwasyon]? What did I do?’ I try to be a good person. Bakit? I’m not gonna say na wala akong mali… Pero kailangang umabot sa ganun? I mean, did we really have to take the social media route or path?”
Credit: @andersongeraldjr Instagram
B!nasag din ni Gerald ang kanyang katahimikan tungkol sa paratang ni Bea sa kanya na ‘ghinost’ umano niya ito.
Iginiit ni Gerald na wala siyang ‘ghinost’ na tao. Ngunit kung ang ibig sabihin umano ng ‘ghosting’ ay pag-alis sa isang “very unhealthy” at “t0xic” na relasyon ay aminado siyang siya ay “guilty”
Samantala, aminado si Gerald na nas@ktan siya sa hiwalayan nila ni Bea ngunit ngayon ay natutunan na niyang harapin at tanggapin ito.
At idinagdag din niya na sa kabila ng pagiging pinaka-kontrobersyal na tao niya ngayon sa Pilipinas, nagpapasalamat pa rin siya dahil biniyayaan siya ng magandang kalusugan at trabaho.
Credit: @juliabarretto Instagram
Matatandaan na nagsimula noong 2019 ang espekulasyon na may namamagitan sa pagitan nina Gerald at Julia pagkatapos nilang magkatrabaho sa romantic film na “Between Maybes”.