Aktor na si Joshua Garcia, mainit na tinanggap ng netizens sa Tiktok!

Hindi naman maitatanggi na naging daily habit na ng karamihan ang mag-Tiktok. Bata man o matanda, talagang welcome ang lahat sa pagpapakitang-gilas at pagbibigay ng good vibes!

Credit: @garciajoshuae Instagram

Marami na ring celebrities ang sumabak sa pagti-Tiktok ngunit bibihira lamang sa kanila ang nakakaagaw sa atensyon ng netizens katulad na lamang ni Joshua Garcia na kaagad pinagkaguluhan dahil sa kauna-unahan niyang video.

Nang pasukin ang industriya ng showbiz matapos ang “Pinoy Big Brother: All In” noong taong 2014, ipinamalas na ni Joshua ang kanyang kahusayan sa larangan ng pag-arte at kailanman ay hindi binigo ang fans kung acting-an lang naman ang pag-uusapan.

Sa paglipas ng panahon, patuloy pa rin na pinapahanga ng aktor ang karamihan dahilan kung bakit labis ang kasikatang tinatamasa ngayon. Sa edad na 24, itinuturing si Joshua na isa sa mga accomplished na aktor sa mundo ng showbusiness. At hindi lang yan, marami na rin ang nagsasabing may dating John Lloyd Cruz habang gumagawa ng eksena sa harap ng kamera.

Credit: @garciajoshuae Instagram

Abala sa hectic niyang schedule ngayon lalo na’t isa siya sa mga artistang bibida sa inaabangang teleserye na “Darna,” hindi pa rin nakakalimutan ni Joshua na i-update ang kanyang fans. Maliban sa updates niya sa Instagram o Twitter, pinasok na rin ni Joshua ang Tiktok kung saan ay sinubukan niya ang “Ginseng Strip 2002”.

Matapos magkaroon ng sariling account sa Tiktok, ito ang kauna-unahang video na ginawa ni Joshua kaya naman hindi niya inasahang magva-viral ito at ngayon ay umani na ng 47 milyong views at 5.4 million likes.

Of course, gwapong-gwapo at napakalakas ng dating sa simpleng suot na itim na t-shirt at relo, hindi napigilan ng mga babae niyang fans na makaramdam ng kilig.

Credit: @garciajoshuae Instagram

“SER JOSHUA PWEDE KA PA HUMABOL SA PASKO. GAME? Char hahahahaha”

“normalize maulol kay Joshua 😌”

Credit: @garciajoshuae Instagram

“bakit ganyan mukha mo? ang gwapo 😭”

“ADD TO CART KO NA SANA KASO WALA PALANG CASH ON DELIVERY 😭”

Credit: @garciajoshuae Instagram

“ANG POGI🥺”

“Amoy johnsons baby powder😭😍”

At hindi lamang sa Tiktok nagtatapos ang kilig at kasiyahang naramdaman ng kanyang fans dahil pati sa Twitter ay nag-viral din ang aktor!

@iam.joshuagarciabut you know i stay HAHAH #fyp

♬ GInseng Strip 2002 – calf

Record-breaking talaga! Sino pa bang ibang aktor ang magkakaroon ng ganitong epekto sa netizens sa kauna-unahan niyang pagkakataon na sumabak sa Tiktok? Talagang kakaiba ang impluwensya at dating ng isang Joshua Garcia!