Aktor na si Neil Coleta, excited na sa nalalapit na pagsilang ng dating Wowowin dancer na si ChinKee sa kanilang unang anak

Espesyal at memorable para sa aktor na si Neil Coleta ang buwan ng August. Ngayong buwan, ipinagdiwang ni Neil ang kanyang ika-30 kaarawan.

Credit: @imcoletaneil Instagram

Sa Instagram, nagpasalamat si Neil sa Panginoon dahil sa umaapaw na biyaya na kanyang natanggap. Isa naman sa mga ipinagpapasalamat ni Neil ay ang pagdating ng panibagong magpapasaya sa kanyang buhay na walang iba kundi ang panganay na anak nila ng kanyang partner na si ChinKee.

Credit: @imcoletaneil Instagram

“Happy birthday to me maraming salamat panginoon sa panibagong yugto ng aking bahay… salamat sa blessings and sa next level pang blessings nyo po,” sulat ni Neil sa Instagram.

Nakatanggap din si Neil ng napakatamis at nakakaantig na mensahe mula sa kanyang partner. Sa kanyang birthday message, pinasalamatan ng dating Wowowin dancer si Neil dahil isa umano itong mabuting asawa at soon-to-be tatay.

Credit: @imcoletaneil Instagram

“HAPPY HAPPY BIRTHDAY my life. Salamat sa sobrang pagmamahal na binibigay mo samen ni Jazmin at pag aalaga. Thankyou kasi ikaw yun taong binigay saken ni Lord na matagal ko ng pinagdasal at hindi lang ikaw ang binigay ni God kundi dalawa kayo ni Jazmin,” saad ni ChinKee.

Ipinangako rin ni Chinkee na palagi niyang susuportahan si Neil sa pag-abot nito sa kanyang mga pangarap.

Credit: @imcoletaneil Instagram

Ani ChinKee, “Ngayon yun 1st birthday mo na magkasama tayo. Kaya gusto ko maging unforgettable. Lahat ng goals mo sa buhay naka suporta ako sayo. At unti-unti naten tutuparin lahat ng mga yun na magkasama tayo.”

Credit: @imcoletaneil Instagram

Dagdag pa ni ChinKee, “Oh diba ang bongga ni Lord binigyan nya ako ng asawa na POGI na mabait na masipag pa. At higit sa lahat may takot sa Panginoon. San ka pa?! Happy 30th mahal kong asawa. May Godbless you and your beautiful soul. More more work and Good health. Hanggang dulo sasamahan kita MAHAL NA MAHAL KITA. Ikaw lang sapat na.”

Credit: @imcoletaneil Instagram

Nakatakdang manganak ngayong buwan si ChinKee. Kamakailan, ipinasilip nila sa Instagram ang kanilang maternity photosho0t. At bilang first-time parents, hindi mapigilan nina Neil at ChinKee na ma-excite lalo na’t malapit na nilang makita ang kanilang bundle of joy na isang baby girl.

Sa isang post sinabi ni Neil, “So excited to meet this little person who is half me and half the one i love.”

Credit: @imcoletaneil Instagram

Samantala, bukod sa birthday ni Neil at nalalapit na panganganak ni ChinKee, ipinagdiwang din ng celebrity couple ang kanilang 9th monthsary ngayong buwan. Noong Pebrero matatandaang inanunsyo ng dalawa na magkaka-baby na sila.