Aktor na si Neil Coleta, ipinost ang mga letrato ng kanilang bagong silang na baby girl

Labis ang naramdamang kasiyahan at tuwa ni Neil nang sinalubong niya kasama ng kanyang partner na si Chin Kee ang baby girl nila. Sa katotohanang first time nila maging mga magulang ay handa naman ang dalawa sa kahit anong pagbabagong kahaharapin kasama ang anak.

Credit: @imcoletaneil Instagram

Isa si Neil Coleta sa mga kinikilalang supporting actors sa showbiz. Maliban sa kanyang kahusayan pagdating sa pag-arte ay kapansin-pansin din ang kanyang good looks. Lingid sa kaalaman ng karamihan, isa palang romantiko si Neil dahilan para tuluyang mahumaling sa kanya ang partner niya ngayon na si Chin.

Hindi nagtagal ay nagbunga ang pagmamahalan nina Neil at Chin. Matatandaan noong Hunyo 7 nang masayang inanunsyo ng dalawa sa Instagram ang pagbubuntis ni Chin sa kanilang baby kasabay ng pagpapasilip ng mga larawang kuha sa ginanap nilang gender reveal party kung saan ay nakasama nila sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Credit: @imcoletaneil Instagram

September 3 nang sa wakas ay isinilang ng partner ni Neil na si Chin ang kanilang baby girl. Masaya namang ibinahagi ng aktor ang masayang balita sa Instagram kung saan ay nagkaroon siya ng mensahe na talagang humaplos sa puso ng mga netizens kalakip ng isang larawan kung saan ay makikitang malambing niyang kinakarga ang anak.

Una niyang pinasalamatan ang Panginoon dahil sa matagumpay at safe na delivery ni Chin sa kanilang baby girl na pinangalanan nilang si baby Jazmin.

Credit: @imcoletaneil Instagram

“Salamat po panginoon sa normal delivery ni chin kay baby jazmin… hirap explain ng nararamdaman pero sobrang thankful dahil binigay nyo sya samin,” pagpapasalamat ni Neil.

Dagdag pa ng aktor, “For me pinaka magandang blessings sa buhay ko to and samin ni chin.. mahal na mahal kita jazmin at lahat gagawin ko para sa inyo ng mommy mo…❤️❤️❤️ “

Credit: @imcoletaneil Instagram

Talaga namang masasabi na magiging mapagmahal at responsableng ama si Neil kay baby Jazmin.

Ayon pa sa aktor, lahat umano ng naramdaman niyang pagod at stress ay biglang nawala nang unang nasilayan ang magandang ngiti ng anak.

“Masasabi ko lang sobrang sarap sa feeling parang nawawala lahat ng pagod at stress mo sa unang kita mo sakanya na naka ngiti..hahah hindi ko man kakulay char,” sabi ni Neil.

Credit: @imcoletaneil Instagram

Noong panahon na hindi pa man naisisilang si baby Jazmin ay talagang hands-on na si Neil sa pag-aalaga sa kanyang partner.

Base sa mga larawang ibinahagi ni Neil sa kanyang Instagram account ay masasabi naman talaga na mahal na mahal at talagang suportado niya si Chin sa kahit anong gawain nito.

“Welcome to the world our baby jazmin 👶🙏🏻❤️” ani Neil.