Aktor na si Polo Ravales, isa nang ganap na ama sa kanyang bagong silang na baby boy!

Opisyal na ngayong Daddy si Polo Ravales sa unang anak nila ng fiancée.

Credit: @poloravales Instagram

Kilala si Polo Ravales sa mga karakter na matagumpay niyang ginampanan sa “Encantadia,” “Gagambino,” at “Maging Akin Ka Lamang”. Sa kanyang kahusayan sa pag-arte ay nagawa niyang manatili sa tuktok ng kanyang career bilang isang aktor.

Maliban sa naramdaman niyang thrill sa pagiging aktor ay matagal na ring excited si Polo na magiging ama na siya sa unang baby nila ng fiancé na si Paulyn Quiza, isang fitness instructor.

Credit: @poloravales Instagram

Miyerkules, September 8 nang sa wakas ay natapos na rin ang matagal na paghihintay ni Polo. Sa naramdaman niyang labis na kasiyahan ay ibinahagi niya ang magandang balita sa Instagram.

Ipinakilala niya sa kanyang mga fans at followers ang baby boy nila ng fiancé na si Paulyn kalakip ng isang larawan kung saan ay makikita ang kanyang mag-ina.

“Yatrick Paul Quiza Gruenberg.Born on September 5, 2021 at 8:58am,” sulat ni Polo sa kanyang caption.

Credit: @poloravales Instagram

Malaki rin ang pasasalamat ng aktor sa Panginoon sa safe na delivery ng kanyang fiancé sa kanilang baby boy.

“Thank you God for a normal delivery and a very healthy Baby P🤎❤🧡💚💜🤍,” pasasalamat ni Polo.

Inulan naman ng pagbati ang comment section ng mismong post galing sa mga fans ni Polo, malalapit na mga kaibigan niya at ni Paulyn, at iilan ay galing naman sa kapwa niya celebrities.

“Congratulations sa inyo!!!!” pagbati ni Jackie Lou Blanco.

Credit: @poloravales Instagram

“congrats sa inyo!! ❤️” Komento naman ni Nikki Co.

Matatandaan na unang inanunsyo ni Polo sa Instagram ang pagbubuntis ng kanyang fiancé na si Paulyn noong buwan ng Abril ngayong taon.

“Thank You Lord for this Miracle and Blessing.We are excited to meet you Baby P❤ @pauquiza,” anunsyo ni Polo kalakip ng isang larawan kuha sa ginawa nilang untrasound.

Bagama’t first time man para sa kanilang dalawa ang pagiging magulang ay malaki naman ang tiwala ni Polo at Paulyn sa isa’t-isa na magiging amazing at mabuting Mommy at Daddy sila kay baby Yatrick Paul.

Credit: @poloravales Instagram

Mula noong naghihintay pa lamang si Polo at Paulyn sa pagdating ng kanilang baby boy sa mundo ay matagal na nilang hinanda ang kanilang sarili sa responsibilidad na dulot ng pagiging mga magulang.

Disyembre noong taong 2018 nang na-engaged sina Polo at Paulyn sa isa’t-isa. Sa ngayon ay wala pa silang anunsyo kung kailan gaganapin ang kanilang wedding pero iisa lamang ang sigurado sila ngayon at ito ay ang pagbibigay kay baby Yatrick Paul ng buo nilang atensyon at pagmamahal.