Aktres at anak ni Jean Garcia na si Jennica Garcia, napahanga ang netizens sa kanyang nakakatuwang Tiktok moves

Jennica Garcia, nanatiling isang maningning na bituin sa mundo ng showbiz. Dahil sa batang mukha at katawan ng Kapuso actress na si Jennica ay hindi napaghahalataan na siya’y 31 taong gulang na. Kadalasan ay napagkakamalan si Jennica bilang batang aktres na nasa 20 pataas pa lamang ang edad.

Credit: @jennicauytingco Instagram

Sa ilang taon na pagiging artista ay nanatili pa rin siyang fresh-looking at ngayon ay nananatiling isa sa mga maningning na bituin sa industriyang kinabibilangan.

Ilan lamang sa mga teleserye at pelikulang pinagbilangan ni Jennica ay “Impostora” noong taong 2007 kung saan nagsimula siyang makilala ng karamihan, “Gagambino” kung saan ay nakasama niya ang kilalang Kapuso actor na si Dennis Trillo, at maraming pang iba.

Ilang taon naman sa showbiz ay magmistulang bata pa rin si Jennica. Hindi lamang sa mukha kung hindi ay pati sa katawan kung kaya’t ganoon na lamang karami ang hindi makapaniwala na siya’y nasa 30’s na.

Credit: @jennicauytingco Instagram

Bukod sa kagandahan at kahusayan ni Jennica sa pag-arte ay may talento rin siya sa pagsayaw. Sa katunayan ay may Tiktok account siya kung saan nakikita ng netizens ang kanyang nakakaaliw na Tiktok dance moves.

Kumakailan lamang ay pinahanga ulit ni Jennica ang netizens nang ibinahagi niya ang ang bagong video na ipinost niya sa kanyang Instagram account kung saan ay makikita ang pagsayaw niya sa kantang “Miss Independent” ni Ne-Yo.

“WHO IS SHE ✨,” sulat ni Jennica sa kanyang caption.

May mga kapwa celebrities din na humanga at nagkomento sa Tiktok videos ni Jennica sa Instagram.

“Magaling ka talaga kumindat nuon pa. Natatandaan mo ba tinuturuan mo pa akong kumindat dati pero mukha akong nastroke lagi…,” komento ni Chariz Solomon.

Sa isa ring Tiktok video na ibinahagi ni Jennica sa Instagram kung saan ay makikita siyang sumasayaw sa “Breakfast Challenge” Tagalog dub version ay hindi rin napigilan ng netizens na humanga sa kanyang galing sa paghataw. May iilan ring natawa dahil sa nakakatawang dub ng nasabing challenge.

“Ay teka ngaaaaa… nanghaham0n tong batang to ah! 😂 hamunin san kita kaso wala nang kakasya sa akin na ganyan 😂😂,” sabi ni Neri Naig.

“Go bo0m bo0m!! 🔥” komento ni Paolo Paraiso.

“Best!!! Ahahahahahahahaha. Best yung huli talaga.. ilang taon na natin jam yan. 😂” sabi naman ni Chynna Ortaleza.

Buwan ng Mayo nang nagsimula si Jennica sa pagti-Tiktok at kahit walong videos pa lamang ang kanyang na-upload sa nasabing platform ay umabot na ng 1.5 million views ang isa sa kanyang mga videos.

Sa kasalukuyan ay mayroon ng 121.2K followers at 303.6K likes si Jennica sa Tiktok at patuloy pang nadadagdagan sa mga araw na dumarating.