Aktres at host na si Wilma Doesnt, engaged na sa kanyang long-time non-showbiz boyfriend!

Isang hindi inaasahang sorpresa ang natanggap ng actress/model na si Wilma Doesn’t mula sa non-showbiz boyfriend na si Gerick Livero Parin kasabay sa kanyang kaarawan at ito ay kanyang ibinahagi sa Instagram.

Credit: @doesntwilma Instagram

Sa nasabing post makikita ang isang video kung saan abala ang aktress/model na naghohost sa isang event na ginanap sa isang outdoor resort nang biglang lumapit ang kanyang nobyo at iniabot ang singsing.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Wilma Dassent (@doesntwilma)

Mapapansing hindi halos makapagsalita sa sobrang tuwa at kilig ni Wilma. Lumuhod sa kanyang harapan si Gerick saka sumagot ang actress/model ng “Yes of course” na lalong nagpakilig sa mga nakasaksi.

Credit: @doesntwilma Instagram

Ang pagbukas ng fireworks sa gilid ng stage ay lalong nagpaganda ng ambiance ng proposal.

“The best birthday gift ever!!!! Happy birthday to me,” caption ni Wilma sa nasabing IG post.

Hindi man maitago ng aktress/model ang pagiging palabiro at komedyante, sinundan n’ya naman ito ng seryoso at makabuluhang mensahe.

Credit: @doesntwilma Instagram

“To all the woman out there never give up on love. Your past doesn’t define you nor your mistakes in life. I called it process,” ani Wilma.

“Trusts the process kasi may mas magandang naghihintay sayo. Patience is a virtue.. but for patience is a waiting. learn to wait.. your time will come no matter what it will happen. never lose yourself its because you made mistakes,” dagdag pa nito sa kanyang IG post.

Credit: @doesntwilma Instagram

Hindi inilihim ni Wilma ang hirap na pinagdaanan sa pagtataguyod mag-isa sa kanyang tatlong anak. Matatandaang kasagsagan ng kanyang career ng ipagbuntis niya ang panganay na si Asiana.

Ayon pa kay Wilma mahalagang sa bawat pagkakamali ay matutunang patawarin, irespeto at mahalin ang sarili.

Credit: @doesntwilma Instagram

“Love yourself above all para mahanap ka ng taong nakatakda para sa’yo,” pahayag ni Wilma.

Pinasalamatan n’ya din ang lahat ng naging parte ng kanyang buhay.

“Mahal na mahal ko kayong lahat,” ani Wilma.

Credit: @doesntwilma Instagram

Nag-iwan din siya ng karagdagang payo si Wilma, “treat your man like a king so that he can fulfilled his duties to her queen or should I say to his highness!!!!”

Masaya naman ang mga netizen para sa magandang balitang ito ni Wilma gayundin ang kanyang mga kaibigan sa showbiz.