Aktres at modelo na si Regine Angeles, isinilang na ang kanyang ikalawang anak!

Isang biyaya na naman ang dumating kay TV actress Regine Angeles. Nitong October 31 kasi ay isinilang ni Regine ang kanyang ikalawang anak sa asawang si Van Victor Leano.

Credit: @regineangeles Instagram    

Sa serye ng mga larawan na ibinahagi ng aktres sa kanyang Instagram ay makikita siya kasama ang kanyang asawa na masayang nag-pose kasama ang kanilang newborn baby sa loob ng delivery room.

Ayon sa caption ng kanyang Instagram post, alas-10 ng gabi nitong Linggo “via normal delivery” isinilang ni Regine ang malusog nilang baby girl ni Van Victor. Pinangalanan nilang Kaia Rosalie ang ikalawang anak.

Caption ni Regine sa post, “Hello world! Gave birth via normal delivery last night (Oct 31) to our baby girl Kaia Rosalie at 10pm. Thank you so much @thejavismd for helping me get through this kahit na ang laki laki ni baby 😅🥰 Thank you Lord for this wonderful blessing! 💕”

Credit: @regineangeles Instagram

Bumuhos naman ang pagbati para sa mag-asawa mula sa kanilang mga kaibigan sa showbiz.

Komento ni Iwa Moto, “Omg. Congratulations mars!!!”

Saad naman ni KitKat, “Wow!!! Congratz mars parang di ka nahirapan kahit malaki si baby! Ang galing! I love u mars @regineangeles”

Sabi naman ni Shaira Diaz, “Congratulations ate!!!”

Credit: @regineangeles Instagram

Nagpahayag din ng kanilang pagbati sina Melai Cantiveros, Alex Castro, Wendy Valdez, Bianca Manalo at Kristel Fulgar.

Matatandaang April ngayong taon nang inanunsyo ni Regine ang kanyang pagbubuntis sa ikalawang anak.

Nitong October 29 nga ay ipinagdiwang ni Regine ang kanyang ika-35 taong kaarawan kung saan ay hiniling niya na lumabas na nga ang kanyang ipinagbubuntis.

Credit: @regineangeles Instagram

“35 [heart emoji] thank you so much for the gift of life. Pero anak, wish ko labas ka na ha. H!rap na si mommy [laughing emojis]”

Para sa birthday ng kanyang asawa ay isang nakakatuwang birthday gift naman ang ibibigay umano ni Van Victor kay Regine.

Isang video ang inihanda ni Van Victor para kay Regine. Sa caption ng IG video ay sinabi nito na ‘baby number 3’ umano ang ire-regalo niya sa asawa.

Credit: @regineangeles Instagram

“Maligayang Kaarawan sa aking Marikit.😂 Saludo ako sayo kasi kitang kita ko hirap mo sa pag bubuntis mo nitong pandemya. Mas topakin pa ata ako kesa sayo ngayon e. Dahil jan, ang regalo ko sayo ay baby number 3. 😂😂 Mahal na mahal kita. 😍❤❤ ,” mensahe ni Van Victor kay Regine.

Reaksyon naman ni Regine sa sinabi ng asawa, “Hahahaha H@yup ka naiyak ako sa kakatawa.”

Credit: @regineangeles Instagram

Isa nga sa pinaka-excited sa pagdating ng kanilang baby girl ay ang kanilang panganay na anak na si Viktor Alesso. Tatlong taong gulang na si Viktor bago nasundan nina Regine at Van Victor. Kapwa model sina Regine at Van Victor na ikinasal noong 2016.