Aktres na si Ara Mina, engaged na sa kanyang non-showbiz boyfriend!

“Yes, I will marry you.”

Credit: @therealaramina Instagram    

Ito ang naging sagot ng aktres na si Ara Mina sa wedding proposal ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Dave Almarinez.

Credit: @therealaramina Instagram

Engaged na nga ang aktres kay Dave na siyang President at CEO ng Philippine International Trading Corporation at may ranggong Undersectary.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Ara ng ilang larawang kuha ng Nice Print Photograpy mula sa romantic wedding proposal ni Dave sa kanya.

Credit: @therealaramina Instagram

Makikita sa larawan na naging emosyonal si Ara nang lumuhod na si Dave at inalok siya ng kasal.
Nitong January 12, nangyari ang wedding proposal ni Dave.

Perfect naman ang wedding proposal spot na ginanap sa City Hall ng San Pedro, Laguna. Ginawang romantic ng international florist na si Gideon Hermosa ang.

Credit: Niceprint Photography & Exige Weddings Facebook

Mula naman sa itaas ng wedding proposal spot ay makikita ang mga katagang “Will You Marry Me?”

Inilarawan ni Ara bilang “most perfect gift” mula sa Diyos ang wedding proposal ni Dave.

Ani Ara, “Today I have received the most perfect gift from God. A prayer I have always been sincerely trusting Him to bring into my life.”

Credit: Niceprint Photography & Exige Weddings Facebook

May mensahe naman si Ara para sa kanyang soon-to-be-husband.

Aniya, “Dave, thank you for being my answered prayer. Thank you for not giving up on me. You are the reason why we have stronger days together. God led us to each other for a greater purpose. Let us both live it with faith and love.”

Dagdag niya, “‘Yes, I will marry you!’ I was totally clueless of what this day would bring. And your surprise made me felt more loved and cherished than I did yesterday. You are all awesome!”

Samantala, buhos naman ang pagbati para sa newly engaged couple mula sa kanilang mga kaibigan sa showbiz.

Credit: Niceprint Photography & Exige Weddings Facebook

Kabilang sa mga bumati kina Ara at Dave sina Ana Roces, Candy Pangilinan, Denise Laurel at Melissa Ricks.

Mayroon nang isang anak si Ara sa kanyang dating kasintahan na si Patrick Meneses na si Amanda.
Gumaganap naman ngayon si Ara bilang Ellen Padua sa Kapamilya drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano”.