Ikinasal na ang aktres na si Bianca King sa kanyang kasintahang si Ralph Wintle na ginanap sa kanilang tahanan sa Sydney Australia at ito ay kanyang ibinahagi sa Instagram.
Credit: @bianca_king Instagram
“Married in our living room,” ito ang simpleng caption ng aktres sa nasabing Instagram post.
Matatandaang August 2019 nang kumpirmahin ni Bianca ang kanilang relasyon. Si Ralph ay kapatid ni Ben Wintle, na siya namang asawa ng aktres na si Iza Calzado.
“Welcome to the family,” bati ni Iza sa kanyang bagong sister-in-law sa nasabing IG post.
“sup, Mrs. Wintle! Hahaha,” tugon naman ni Bianca.
Credit: @bianca_king Instagram
Nagpaabot din ng pagbati ang malalapit na kaibigan at mga kapwa artista sa bagong kasal. Kabilang na dito sina Maxene Magalona, Jackie Lou Blanco, Mariel Rodriguez-Padilla, Raymond Gutierrez at Michelle Madrigal.
Ibinahagi rin ni Bianca sa Instagram ang kanilang larawan ng kaibigang si Mari Jasmine na ayon sa aktres ay malaki ang naging partisipasyon sa kanyang kasal.
“Flower arranger, photographer, wedding witness, clean up manager at my little living room wedding,” caption ni Bianca sa nasabing IG post.
View this post on Instagram
Isang taon na nga ang mabilis na lumipas mula nang magtungo si Bianca sa Australia. Matatandaang sinabi ng aktres sa kanyang social media account na mamimiss nito ang pagsu-shooting sa kanyang kusina at paggawa ng content kasama ang mga kaibigan.
“Something I won’t get to do anymore ever… shoot videos in this kitchen. Will miss the comfort of creating content with friends in this house that sparked so much creativity,” ani Bianca.
Credit: @lights_chaser_ Instagram
Ayon pa sa aktres, blessing in disguised ang biglaan niyang pagtungo sa Australia.
“Something good that came out of the p@ndemic. If I hadn’t gotten “stuck” in Australia, Ralph and I might’ve been apart for years,” caption sa IG post ng aktres kasama ang ilang larawang kuha mula sa kanilang kasal.
Credit: @bianca_king Instagram
“But the universe decided I would arrive in Sydney a few days before the borders closed. Without closure on my Manila life, I settled in Australia. Being together almost 24/7 in the past year worked out for us,” dagdag pa nito.