Aktres na si Faith da Silva, nagsalita na hinggil sa pagkaka-link niya sa veteran actor na si Albert Martinez

Hindi maikakaila na sa mundo ng showbiz, isa ang beteranong aktor na si Albert Martinez sa mga tinitingala ng marami. Siya ay sumikat noong 80s nang gampanan niya ang karakter na “Glenn” sa sikat na teleserye noon na Anna Liza. At hanggang ngayon, hindi pa rin kumukupas ang angking husay ni Albert sa pag-arte.

Credit: @faithdasilva_ Instagram

Hinahangaan din si Albert dahil sa taglay niyang kagwapuhan at karisma. Makalipas ang maraming dekada, itinuturing pa rin siya bilang isa sa pinakaguwapong aktor sa showbiz. Kaya naman marami pa ring babae ang nali-link sa kanya.

Isa na rito ang batang aktres na si Faith da Silva na napabalitang rumored girlfriend niya. Nagkamabutihan umano ang dalawa sa gitna ng taping ng pinagbibidahan nilang Kapuso serye na “Las Hermanas” kung saan ay gumaganap sila bilang mag-on screen partners.

Samantala, kamakailan lamang ay nagsalita na ang 20-anyos na aktres tungkol sa real-score sa kanila ni Albert nang makapanayam siya ng comedy duo na sina Boobay at Tekla sa segment ng programa nilang “May Pa-Presscon.”

Ayon pa sa batang aktres, inaasahan na niyang mali-link siya kay Albert lalo pa umano at magka-partner sila sa Las Hermanas.

Credit: @faithdasilva_ Instagram

Bagaman hindi itinanggi o kinumpirma ni Faith na may relasyon sila ni Albert, sinabi niyang komportable umano sila sa isa’t isa.

Paglalahad niya, “Iba yung relationship namin together. Komportable kami sa isa’t isa. Masaya ako na nakilala ko siya in a deeper level…Maalaga kasi talaga siya and very grateful ako na yung side na yun of him, e, nakita ko dahil hindi ko ine-expect na isang beteranong aktor, e, ganoon makitungo sa akin.”

Ibinunyag naman ni Faith na napag-usapan na nila ni Albert ang kumakalat na isyu tungkol sa kanilang dalawa ngunit “tuksu-tuksuhan” lamang umano.

Dagdag pa niya, “walang ilangan” na nangyari sa pagitan nila ni Albert at “professional” lamang umano sila habang nasa set ng nasabing Kapuso serye sa kabila ng pagli-link sa kanila ng marami.

“Para sa aming dalawa kasi, professional lamang lahat. Walang ilangan,” saad ni Faith.

Dagdag pa niya, “The fact na nakikita ng mga tao na okay ang chemistry namin together, I think yun ang mas importante sa amin.”

Credit: @faithdasilva_ Instagram

Sa huli, sinabi ni Faith na naniniwala siyang walang pinipiling edad ang pag-ibig.

Iginiit rin niyang sinusuportahan niya ang mga taong nasa isang relasyon sa kabila ng pagkakaroon ng isang malaking agwat sa edad.

Hindi rin isinasantabi ng aktres ang posibilidad na magmamahal siya ng isang lalaking na mas matanda sa kanya.

Credit: @faithdasilva_ Instagram

Matatandaang sumikat si Faith matapos siyang sumali sa ika-6 na season ng “StarStruck.” Nakilala rin siya ng marami bilang anak ng dating aktor na si Dennis da Silva. Habang si Albert ay isang biyudo na matapos puman@w ang asawa nitong si Liezl noong 2015.