Aktres na si Iza Calzado, kumpirmadong lilipad bilang “unang Darna”!

Kamakailan lamang, inanunsyo ng ABS-CBN na gaganap ang batikang aktres na si Iza Calzado bilang ang unang ‘Darna’ sa inaabangan ng marami na “Mars Ravelo’s Darna: The TV Series.”

Credit: @missizacalzado Instagram

Si Iza ang gaganap na ina ng sikat na komiks superheroine na si Narda, na una nang napabalitang gagampanan naman ng Kapamilya actress na si Jane de Leon. Base sa kwento ng fantaserye, si Iza ang magpapasa ng makapangyarihang bato sa karakter ni Jane.

Masayang-masaya naman si Iza dahil makalipas ang maraming taon ay nabigyan muli siya ng oportunidad upang maging Darna.

Lingid sa kaalaman ng marami, noong nasa GMA 7 pa lamang si Iza ay na-offer-an na rin siya upang gumanap sa nasabing karakter ngunit hindi ito natuloy. Matatandaan namang nakuha ng aktres na si Angel Locsin ang role noong 2005.

Credit: @missizacalzado Instagram

“Finally, I can claim to be part of the Pinoy superhero history! I almost had the chance in the past, but God had other plans. I was not meant to be that Darna but he surely prepared me to play this Darna,” pahayag ni Iza.

Para naman kay Iza, tila itinakda ng Panginoon na sa pagkakataong ito ay makuha na niya ang nasabing role.

“Everything always happens in His perfect time. I call it Divine Timing,” ani Iza.

Credit: @missizacalzado Instagram

Sa kabilang banda, inamin ni Iza na malaking responsibilidad na maging isang ‘hero’ sa panahon ngayon, lalo na’t humaharap tayo sa maraming problema.

Ani Iza, “Being a hero during these challenging times is exciting and female one at that just means so much more. Of course, I do recognize that with great power comes great responsibility. As cliche as it sounds, there is truth to this.”

Ayon kay Iza, taong 2017 pa nang makuha niya ang role at mula noon naging “constant” na siya bilang gaganap na “unang Darna” sa serye, sa kabila ng pagkakaroon ng mga pagbabago sa cast nito matapos palitan ni Jane ang dapat sanang gaganap bilang bida na si Liza Soberano.

Credit: @missizacalzado Instagram

Upang ihanda naman ang kanyang sarili para sa kanyang upcoming role, sinabi ni Iza na sumasabak na siya sa maraming pagsasanay.

“Fitness has always been part of my lifestyle and I have had many training sessions with the fight directors both with Liza and Jane,” kwento ni Iza.

Samantala, noong August 12, ipinagdiwang ni Iza ang kanyang 39th birthday. At sinabi niya, ang pagganap niya bilang ‘Darna,’ ay isa sa pinakamagandang regalo na natanggap niya sa kanyang kaarawan.

Credit: @missizacalzado Instagram

Ayon naman sa ABS-CBN, ngayong darating na September na magsisimula ang taping ng “Mars Ravelo’s Darna: The TV Series.”