Aktres na si Jillian Ward, nakabili ng sariling sports car sa edad ng 17!

Marami ang nangangarap na magkaroon o hindi naman kaya ay kahit makasakay lamang sa isang magarang sports car. Makakita pa lamang ng isa nito sa kalye ay iba na ang pagkamangha na naidudulot sa mga nakakakita nito.

Credit: @jillian Instagram

Kung ang mga kabataan ngayon ay kaya lamang mangarap na magkaroon ng magarang sasakyan, ang 17-year-old na si Jillian Ward naman ay nakabili na hindi lamang ng kanyang sariling sasakyan kundi ng isang sports car!

Si Jillian ay isa sa mga sikat na aktres sa kanyang henerasyon at sinabing isa sa mga highest-paid celebrities ngayon kaya naman kayang-kaya niyang bumili ng ganito kamahal at kagarang sasakyan.

Credit: @jillian Instagram

Sa isang kanyang Instagram account ay nagpost ang aktres ng kanyang letrato na nakaposing kasama ang kanyang bagong Porshe sports car. Sinabi ng aktres na ito ang pinaka-unang sports car niya.

Bukod pa dito ay mayroon na ring iba pang sasakyan si Jillian at kasama na rito ang kanyang BMW, isang van, at isang pick-up truck.

Credit: @jillian Instagram

Bukod sa kinikita ni Jillian sa pag-aartista ay mayroon ding business na milk tea shop si Jillian na pinangalanan niyang Wonder Tea. Ikwinento ni Jillian sa isang panayam na naisipan niyang magtayo ng ganitong negosyo dahil madalas daw silang lumabas at bumili ng milk tea.

Kasama din sa investment ng aktres ang pagpapatayo nito ng kanyang pangalawang bahay sa Pampanga. Ipinakita ito ni Jillian sa kanyang YouTube channel.

Unang nakita sa telebisyon si Jillian Ward nang maging commercial model ito ng isang sikat na milk brand. Mas nakilala si Jillian sa show sa GMA-7 na Trudis Liit bilang ang bida nito na si Trudis. Ngayon ay abala si Jillian sa pinagbibidahan na teleserye na Prima Donnas bilang si Donna Marie Madreal-Escalante. Makikita din siya na lumalabas sa Sunday noontime show na All-Out Sunday.

Credit: @jillian Instagram

Talaga naman deserve ni Jillian ang lahat ng nakakamit niya ngayon dahil sa kanyang pagpupursige at pagsusumikap sa pagtatrabaho. Bukod pa dito ay inaani niya ngayon ang bunga ng kanyang pagiging masinop sa pera at kanyang pagbibusiness.