Aktres na si Jodi Sta. Maria, masaya na natapos na niya sa wakas ang kanyang kursong Psychology!

Bakas ang labis na kasiyahan sa muka ng aktres na si Jodi Sta. Maria sa ibinahagi niyang graduation pictures sa kanyang Instagram account ngayong araw, June 23.

Credit: @jodistamaria Instagram

Hindi maitago ni Jodi ang kanyang nararamdamang kasiyahan dahil sa wakas ay nakapagtapos na siya ng kanyang pag-aaral.

Opisyal nang natapos ni Jodi ang kanyang kursong Bachelor of Science in Psychology sa Southville International School and Colleges.

Kalakip ng ipinost na mga graduation picture ni Jodi ang isang mahabang caption na naglalarawan ng kanyang college journey.

Credit: @jodistamaria Instagram

Sa kanyang post, sinabi ni Jodi na bago pa man siya pumasok sa pag-aartista ay pangarap na niyang makapagtapos ng pag-aaral. At ngayon nga ay natupad na niya ang kanyang pangarap makalipas ang mahigit isang dekada na pag-aaral.

Ani Jodi, “Success comes to those who want it. And sometimes you have to ask yourself “how much do I want this?” I dreamt of finishing my schooling ever since I entered show business and today, after more than a decade, marks the fulfillment of that dream. After 4 long years, I am here graduating from college.”

Credit: @jodistamaria Instagram

Ikwenento rin ni Jodi ang mga hirap na kanyang pinagdaanan at kung paano siya nagpursige para makapagtapos ng pag-aaral. Pag-amin ni Jodi, kumukuha siya ng lakas sa Panginoon upang mapagtagumpayan ang mga mahihirap na task na hinarap niya sa kolehiyo.

“In school, whenever I faced a seemingly insurmountable task, I’d always push myself and say “it can be done.” I knew that God was with me all through out my college life and I kept holding on to his promise that I can do all things through Him who gave me strength and supplied me with more than I needed according to His glorious riches in Christ Jesus. God is always faithful to his word,” ani Jodi.

Credit: @jodistamaria Instagram

Sa kanyang pagkamit sa isa sa mga malaking milestone sa kanyang buhay ay pinasalamatan ni Jodi ang mga taong sumuporta sa kanya.

Ani Jodi, “I share this milestone with everyone who has supported me through the years – my teachers, my family, my management team, my friends. Thank you for letting me reach my stars. To God be all the glory, honor and praise.”

Sa huli ay may mensahe si Jodi para sa lahat ng nangangarap na makamit ang kanilang sariling “stars” sa buhay.

Credit: @jodistamaria Instagram

Ani Jodi, “Remember, it is never too late, and you are never too old to reach your stars.”