Aktres na si Kaye Abad, buntis sa ikalawang anak nila ng kanyang mister na si Paul Jake Castillo!

Isang biyaya mula sa Maykapal ang bawat sanggol sa kanilang mga magulang. Nagdadala rin sila ng ngiti hindi lamang sa mukha ng kanilang mga magulang kundi pati na rin sa mga tao sa kanilang paligid.

Credit: @kaye_abad Instagram

Labis-labis naman ang kasiyahan na nararamdaman ngayon ng aktres na si Kaye Abad dahil may bagong biyaya na namang dumating sa pagsasama nila ng aktor na si Paul Jake Castillo.

May panibagong mapagkukunan ng tuwa ang pamilya ni Kaye dahil magkakaroon muli sila ni Paul Jake ng isa pang supling.

Idinaan ni Kaye sa isang social media post ang pag-aanunsyo ng magandang balita na siya ay buntis sa ikalawang anak nila ni Paul Jake.

Isang litrato ang ipinost ni Kaye kung saan makikita ang masayang-masaya nilang panganay na si Pio Joaquin habang hawak-hawak ang sonogram picture ng kanyang magiging kapatid.

Credit: @kaye_abad Instagram

Halata ang saya sa napaka-cute na mukha ni Pio Joaquin dahil sa wakas ay magiging kuya na siya at bonus na rin dahil may bago na rin siyang makakalaro.

“Yey!!!!! I’m going to be a kuya! 🤗🙏🏼 #anotherblessing,” sulat ni Kaye sa caption ng kanyang Instagram post.

Matapos ibahagi ni Kaye ang magandang balita, agad na bumuhos ang mga pagbati mula sa mga kaibigan nila ni Paul Jake sa showbiz at maging sa kanilang mga tagahanga. Komento nila:

“Waaah ate kaaaye!!! I’m so happy for you!!! Congrats Castillos!!”

Credit: @kaye_abad Instagram

“Yahooooooo congrats”

“Finally announced na!!! Yahooooo! Batch mates again!!!!!”

“Yayyy congrats!!!!”

“Yeeey!!! Congrats ate @kaye_abad!! Apaka saya naman!”

Credit: @kaye_abad Instagram

Matatandaan na nagsimula ang love story nina Kaye at Paul Jake sa pagkakaibigan nang magkatrabaho sila noon sa “Precious Hearts Romance Presents: Alyna” taong 2010.

Naganap naman ang kanilang pag-iisang dibdib ni Paul Jake na isang dating PBB housemate noong December 2016 sa Cebu City. At matapos ang kanilang kasal ay naka-base na si Kaye sa Cebu City na hometown ng kanyang mister.

Credit: @kaye_abad Instagram

Sa Cebu City na rin nabuo ang pamilya nina Kaye at Paul Jake at noong December 2017 dumating ang kanilang unang anak na si Pio Joaquin na mas lalong nagpasaya sa kanilang pagsasama bilang mag-asawa.