Kadalasan ang unang bagay na napapansin ng mga tao tungkol sa atin ay ang pagbabago ng ating timbang.

Ito rin ang dahilan kung bakit naging usap-usapan kamakailan ang aktres na si Melissa Ricks matapos mapansin ng maraming netizens ang pagtaas ng kanyang timbang.

Matatandaang noong nakaraang Oktubre, isang netizen ang nagkomento sa larawan ni Melissa sa Instagram na pinupuna ang malaking pagbabago sa kanyang katawan.

Komento ng nasabing netizen, “Grabe! Ano ngyari sayo? Ang taba mo na. Ang laki ng braso mo girl mukha ka ng tita. Ilan na ba anak mo at ganyan na ung katawan mo.”

Bumwelta naman si Melissa sa komento ng nasabing netizen.
Tugon ni Melissa sa nasabing netizen, “Hi! If mukha akong tita is that a problem? Ilan anak ko? Isa, how about you? Ilan anak mo, hopefully wala pa, dahil u have no manners, and no manners…because u are a bad [example]. I’m just thankful I don’t have your attitude.”
Makalipas naman ang dalawang buwan mula nang siya ay makatanggap ng pambab@sh, muling naging laman ng mga balita si Melissa matapos siyang mag-post ng larawan niya na nagpapakita ng pagbaba ng kanyang timbang.

Makikita sa larawan ang “before” at “after” body picture ni Melissa.
Kapansin-pansin na unti-unti na ngang bumabalik ang s3xy at fit na pangangatawan ng aktres. Ibinunyag naman ni Melissa na may iniinom siyang isang inumin na labis na nakatulong sa kanyang “weight loss” journey.

Ani Melissa sa caption ng kanyang IG post, “Hiii!!! Excited to share with you how I lost -20lbs in 2 months..with a secret I’ll reveal soon!!! Plus One of the reasons I’ve gotten this far is @gmaxketoph.”
View this post on Instagram
Samantala, sa isang artikulo na inilathala ng Smartparenting.com.ph, inamin ni Melissa na tanggap na niya na nadagdagan ang kanyang timbang noong siya ay nagbubuntis at matapos siyang manganak. Binigyang diin naman ni Melissa, na walang mali sa pagtaas ng timbang basta ikaw ay mabuting tao at masaya ka sa iyong sarili.

Sinabi rin ni Melissa sa nasabing artikulo na pagod na siya na intindihin ang opinyon ng ibang tao tungkol sa kanya. Ngayon umano, nagdesisyon siya na gumawa ng mga bagay hindi na para sa ibang tao kundi ay para na sa kanyang sarili.

Aniya, “Why was it so important that I lost this weight? Why was it so important that I would be skinny? Napagod na ako na for how many years iniintindi ko what other people thought of me and I didn’t really think what I thought of myself. Siguro lately lang ako nag-build na, ‘I’m gonna go to the gym for me, I’m going to go out, have fun for me.”