Aktres na si Michelle Vito, matagumpay na nagtapos sa kolehiyo matapos ang limang taon na pinagsasabay ang pag-aaral at pag-aartista

Matapos ang limang taon na puno ng magagandang karanasan at pagsubok bilang isang regular na estudyante, masayang ibinahagi ng aktres na si Michelle Vito na siya ay nagtapos na ng kolehiyo.

Credit: @michellevito Instagram

Nagtapos sa kanyang kursong Bachelor of Science Major in Human Resource Management sa De La Salle-College of Saint Benilde sa Manila si Michelle.

Sa isang mahabang Instagram post, isa-isang sinariwa ni Michelle ang kanyang mga hindi malilimutang karanasan habang pinagsasabay ang kanyang pag-aaral at pagtatrabaho bilang isang artista.

Ayon kay Michelle, kahit mahirap ay pinili niyang pumasok sa isang regular school sa halip na online school dahil nais niyang maranasan ang buhay ng isang regular na estudyante.

Kabilang aniya sa mga gusto niyang maranasan ay ang pagpasok sa paaralan, “10 mins break and long breaks,” kumain sa cafeteria at sa iba pang kainan sa paligid ng Taft Avenue, ang pakiramdam na nasa loob ng isang classroom at makisali sa mga school activity.

Credit: @michellevito Instagram

Hindi rin malilimutan ni Michelle ang kanyang “struggles” sa mahihirap na klase, mga pagpupuyat at siyempre, “cramming mode”.

Dagdag pa ni Michelle, “Other memorable moments come from the times when I go to school straight from work and vice versa, mga pakiusap sa professors, thesis hanggang madaling araw, at walang katapusang revisions. Haha!”

Tulad ng ibang mga estudyante, inamin ni Michelle na ang kanyang buhay kolehiyo ay hindi lamang tungkol sa pagtatapos at pagkakaroon ng diploma at college degree ngunit tungkol din ito sa mga ‘di malilimutan at hindi mapapalitang mga karanasan niya.

Naglaan din ng oras si Michelle upang pasalamatan ang mga taong nagbigay inspirasyon at tumulong sa kanya sa kanyang buong college journey. Kasama rito ang kanyang pamilya, mga kaibigan, mga classmate at mga professor.

Credit: @michellevito Instagram

Ani pa ni Michelle, “[she] wouldn’t have made it this far” kung wala ang mga ito.

Lubos din na pinasalamatan ni Michelle ang Diyos na ayon sa kanya, ay palagi niyang kasama at pinakinggan at sinagot ang kanyang mga panalangin.

Ibinahagi rin ni Michelle na naghintay at pinangarap niya ang araw na magkakaroon siya ng engrandeng graduation ceremony na hindi manyayari dahil sa p@ndemya. Gayunman, sinabi ni Michelle na tinuruan siya ng ating “current situation” na maging kontento at magpasalamat na lamang kung ano ang mayroon siya sa kasalukuyan.

Tinapos ni Michelle ang kanyang post sa pamamagitan ng isang pahayag na nagpapahayag ng kanyang pagtitiwala at pananampalataya sa plano ng Diyos.

Credit: @michellevito Instagram

Ani Michelle, “Even though I’ve dreamed and waited for that moment for many years, the current situation taught me to be content and grateful for what we have at the moment. Everything happens for a reason, and I know God is teaching us a lesson. All is well with Him.”