Aktres na si Mylene Dizon, fit and fabulous pa rin sa edad na 44!

Isa si Mylene Dizon sa mga maningning na bituin sa mundo ng showbiz. Bukod sa kagandahang taglay ay di maitatanggi ang galing niya sa pag arte. Mahusay niyang nagaganapan ang bawat eksena na ginagawa niya kahit ano pang role ang ibigay sa kanya.

Credit: @msmylenedizon Instagram

Sa matagal na pananatili ni Mylene sa industriya ng showbiz ay tumatak ang pangalan niya bilang isang batikang artista lalo na sa pagiging kontrabida. Ilan lamang sa mga teleseryeng kinabibilangan ni Mylene ay “Mara Clara”, “Doble Kara” at nito lamang nakaraang taon hanggang ngayon ay ang “Bilangin ang Bituin sa Langit” kung saan ay kasama niya dito si Nora Aunor.

Credit: @msmylenedizon Instagram

Sa kabila ng pagiging ina sa kanyang dalawang anak na si Tomas at Lucas Paraiso sa ex nitong si Paolo Paraiso ay hindi ito naging hadlang para kay Mylene upang magmukhang bata at panatilihin ang kurba ng katawan.

Sa edad na 44 ay mukha pa ring bata si Mylene kaya marami ang nagtatanong kung paano niya napapanatili ang walang kakupas-kupas na kagandahan at ang magandang pangangatawan.

Credit: @msmylenedizon Instagram

Ayon kay Mylene, isa sa naging sikreto niya ay ang palagiang pag-eehersisyo. Ipinakita at ibinahagi rin ni Mylene ang kanyang exercise routines sa kanyang Instagram na nagbigay inspirasyon sa karamihan na gusto ring panatilihin ang fit at s3xy body kagaya niya. Makikita rin sa Instagram ng aktres na mahilig rin siyang mag-yoga.

January noong nakaraang taon ay maaalalang nag-mountain climb si Mylene kasama ang long-time boyfriend nito na si Jason Webb, isang PBA coach at former basketball player. Noo’y 43 pero nakakaya pa rin ni Mylene na tumanggap ng challenges!

Kumakailan lamang ay nagpagupit din si Mylene ng buhok na mas lalo lamang nagpabata sa kanya.

Bukod sa pag-arte ay mahusay rin si Mylene sa pagsu-surf. December noong 2020 hanggang Enero ngayong taon ay nagbahagi ang aktres ng mga larawan niya kung saan ay makikitang nakasuot siya ng itim na bikini na talagang nagdepina sa kanyang magandang katawan.

Hindi naman maipagkakaila na nagsilbing inspirasyon si Mylene na kaya rin ng mga mommies katulad niya na ibalik ang dating kurba at healthy na katawan. Indeed age is just a number para kay Mylene Dizon.