Aktres na si Ritz Azul, ikinasal na sa kanyang first and only boyfriend!

Isang “dream come true” para kay Ritz Azul ang makatuluyan sa habang-buhay ang lalaking labis niyang minamahal kaya naman, talagang blooming siya sa kanyang mga larawan na kuha sa kanilang wedding.

Credit: @ritzazul Instagram

Kilala bilang isang sikat na personalidad sa industriya ng showbiz si Ritz. Maliban sa kanyang angking kagandahan at kabutihang puso, hindi rin maitatanggi ang kahusayan ng aktres sa larangan ng pag-arte.

Dahil sa kanyang kasikatan, hindi talaga maitatanggi kung bakit ganoon na lamang karami ang mga taong sumusubaybay at sumusuporta sa kanya kaya naman nang nalamang “No Boyfriend Since Birth” pala si Ritz, hindi napigilan ng kanyang fans na masurpresa sa katotohanang ito.

Hindi naman nagtagal, nagpaalam na si Ritz sa buhay niya bilang “single” nang makilala si Allan Guy, ang lalaking nagpapatibok ngayon sa kanyang puso.

Credit: @ritzazul Instagram

Maaalala noong taong 2018 nang masayang ibinahagi ni Ritz sa isang press conference ng pelikulang “Pepe Herrera: The Hopeful Romantic” na may lalaki na umanong bumihag sa kanyang puso.

Ayon sa aktres, hindi umano isang celebrity ang nagpapatibok sa kanyang puso dahilan kung bakit mas nabuhay pa ang kuryosidad ng kanyang fans.

Credit: @ritzazul Instagram

“Ngayon may ini-entertain na ako. Dating. And he’s not from showbiz. Nag-start lang sa barkada,” kwento ni Ritz.

Makalipas naman ang ilang taon simula nang unang ibinunyag sa publiko ang kanyang relationship kay Allan, napagdesisyunan ng couple na dalhin sa susunod na level ang kanilang relasyon.

Sabado, November 20 ngayong taon nang ikinasal ang aktres sa kanyang kauna-unahang boyfriend na ginanap sa Alphaland Baguio Mountain Lodges kung saan ay nagkaroon sila ng intimate na seremonya.

Credit: @ritzazul Instagram

Talagang pinaghandaan ang espesyal na araw, napakaganda ni Ritz sa kanyang wedding dress na personal na ginawa at dinisenyo ni Mak Tumang habang si Jason delos Reyes naman ang taong nasa likod ng kanyang buhok.

Kinahumalingan naman ng netizens lalo na ng fans ng aktres ang kanyang kabuuang look na makikita sa ibinahaging larawan ni Mark Anthony Rosales sa Instagram.

Present din si Miles Ocampo sa kasal nina Ritz at Allan bilang isa sa mga bridesmaid.

Hindi lamang ito isang ordinaryo at simpleng araw para kay Ritz dahil para sa aktres, isa ito sa mga mahahalagang araw sa kanyang buhay na talagang hinding-hindi niya makakalimutan lalo na’t ito ang umpisa ng kanilang buhay bilang mag-asawa ni Allan.

Credit: @ritzazul Instagram

Ginanap sa Baguio na may pinakamalamig na temperatura sa Pilipinas, hindi naman ito naging hadlang sa pag-iisang dibdib nina Ritz at Allan na nangakong patuloy na pagtitibayin ang kanilang mainit na pagmamahalan.