Aktres na si Roxanne Barcelo, isinilang na ang baby boy nila ng kanyang non-showbiz husband

Isinilang na ng celebrity vlogger na si Roxanne Barcelo ang kanilang panganay ng kanyang non-showbiz foreign husband at ito ay kanyang ibinahagi sa Instagram stories.

Credit: @roxannebarcelo Instagram

Walang karagdagang impormasyon sa nasabing post kundi ang larawan kung saan makikita ang aktres na nakasuot ng hospital gown ng Makati Medical Center at punung-puno ng pagmamahal na nakatingin sa kanyang bagong silang na baby boy habang buhat ito sa kanyang mga bisig.

Makikita din sa larawan ang mensaheng “Here’s to the rest of our lives. @dababycinco”.

Inihayag ni Roxanne ang kanyang pagdadalang tao sa isang Youtube vlog noong January 21.

Credit: @roxannebarcelo Instagram

“It was the most beautiful plan,” Sabi ni Roxanne.

“Mga badidap (tawag ni Roxanne sa kanyang mga viewers), I wanted to share with you all that I’m preggo. So, ang iniisip namin ng husband ko was that it would take us a year kasi yun yung sabi ng OB-gyne. Iyon, so, it didn’t take that long,” dagdag pa nito.

April 3 naman nang maggender reveal siya sa isang vlog kaya naman biniro siya ng ilang netizen na husband reveal naman dapat ang sunod na vlog niya dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nirereveal ng aktres ang identity ng kanyang mister.

Credit: @roxannebarcelo Instagram

Madalas din ibinabahagi ni Roxanne sa Instagram ang kanyang mga maternity sho0t. Isa pa nga sa mga larawang ito ay mismong asawa niya pa ang kumuha.

Pasko ng taong 2020 nang gulatin ng aktres ang publiko nang kanyang ianunsiyo ang kanyang pagpapakasal. Bagama’t ilang larawan ang kanyang ibinahagi sa Instagram, hindi lubos ipinakilala ni Roxanne ang kanyang asawa.

Credit: @roxannebarcelo Instagram

Wala pang kasiguraduhan kung kailan makikita ng mga social-media followers ng aktres ang kanyang foreign husband na nakabase sa Hong Kong.

Sa isang interview noong February sa I Feel You, sinabi ni Roxanne kung bakit hindi niya lubos na ipinakikilala ang kanyang asawa.

“Alam naman ng lahat ng tao na I like to share too much. I always like to share. But this time, I really have to respect his decision to stay private,” ani Roxanne.

“I’m hoping one day dahan-dahan na pwedeng kahit boses man lang, pa-Big Brother ang peg,” dagdag pa nito.