Aktres na si Ryza Cenon, masayang ibinalita na naipanganak na niya ang baby boy nila ng kanyang boyfriend na si Miguel

Isang masayang balita ang inihatid ng aktres na si Ryza Cenon sa kanyang Instagram account. Makikita sa kanyang post ang larawan kung saan hawak-hawak niya ang maliliit na kamay ng kanyang bagong silang na anak.

Credit: Ms. Ryza Cenon Instagram      

Sa caption ay sinabi ni Ryza na naipanganak niya ang kanilang baby ng October 31.

“10/31/20 – Napakahirap pero lahat worth it! Welcome Baby Night!!!🥰”

Credit: Ms. Ryza Cenon Instagram

Dumagsa naman ang pagbati ng mga kasamahan ni Ryza sa industriya at ng kanyang mga tagahanga.

“Maam!!! Congratulations 👶🏼🤱🏻”

“Ayan na sya!!!! Congratulations ❤️❤️❤️”

 

View this post on Instagram

 

10/31/20 – Napakahirap pero lahat worth it! Welcome Baby Night!!!🥰

A post shared by Ms. Ryza Cenon (@iamryzacenon) on

“Congratulations 🎉 Welcome to the motherhood and speedy recovery to you @iamryzacenon ❤️ Welcome to this wonderful world baby Night 💕”

“Congratulations beh! Happy for you! 😘❤️”

Credit: Ms. Ryza Cenon Instagram

Maging ang boyfriend ni Ryza na si Miguel ay hindi nagpahuli na ibahagi ang masayang balita ng pagdating ng kanilang baby ni Ryza.

Sa kanyang Instagram ay nagpost si Miguel ng letrato kung saan kalong-kalong niya ang kanyang bagong silang na anak habang nakaupo siya.

Credit: @miguel.antonio.cruz Instagram

“10/31/20 ❤️❤️❤️ Our little bundle of joy is finally here.”

Noong July 1 ng kasalukuyang taon, inanunsyo ni Ryza ang kanyang pagbubuntis sa anak nila ng kanyang boyfriend na si Miguel Antonio Cruz. Unang beses noong ipinakita ni Ryza ang kanyang baby bump. Limang buwang buntis na noon si Ryza nang isinapubliko niya ang kanyang pagdadalang-tao.

“It’s the small moments that make life big. Happiness is on the way. 🥰#prayeranswered #Godsgift #newjourney”

Credit: Ms. Ryza Cenon Instagram

Maging ang boyfriend ni Ryza ay nagpost ng napakagandang mensahe tungkol sa pagbubuntis ng kanyang girlfriend na si Ryza. Kasama sa post ang isang sulat na ibinigay ng ama ni Miguel sa kanya para ipakita sa magiging anak nito.

Credit: Ryza Cenon Instagram

“Found this letter a couple of days after my father passed away 2 years ago. Don’t worry dad, we’ll make sure your grandson gets to see this so that hopefully as he grows up, he’ll be able to find all the hidden messages you’ve left for him. We’ve got you. 20 weeks to go!! 🙏🏼🙏🏼”

Credit: Ryza Cenon Instagram

Marami na ang nagagalak sa successful na panganganak ni Ryza at marami na din ang nag-aantay na makita ang mukha ng kanilang baby boy.