Espesyal ang naging pagdiriwang ni Sheena Halili sa kanyang ika-34 taong kaarawan. Ito kasi ang unang pagkakataon na na magsi-celebrate si Sheena ng kanyang kaarawan bilang isa nang mommy at kasama ang unang anak nila ng kanyang mister na si Jeron Manzanero na si baby Martina.

Sinurpresa si Sheena ni Jeron at ng kanyang pamilya sa kanyang kaarawan nitong January 16. Sa kanyang Instagram, ipinost ni Sheena ang ilang litrato niya kuha mula sa birthday surprise na inihanda ng kanyang pamilya para sa kanya.

Mala-reyna si Sheena suot ang kanyang tiara at isang birthday sash na may nakasulat na “birthday girl”. Sa isa namang larawan ay makikita si Sheena na masayang nag-pose sa likod ng kanyang birthday cake habang kalong-kalong ang kanyang isang buwang gulang na anak. Masayang-masaya umano si Sheena sa kanyang kaarawan ngayon.
Ani Sheena, “Happy talaga ang birthday ko ngayon 🎉⭐️🥳 thank you, Jesus! Wala nako hihilingin pa!”
Kung may hihilingin naman daw si Sheena sa kanyang kaarawan ito ay ang magpa-body massage, manicure at pedicure at footspa.

Ani Sheena, “Ay meron pala gusto ko ng body massage, manicure,pedicure at footspa”
Ikwenento naman ni Sheena na hindi niya inaasahan na may sorpresang inihanda sa kanya ang kanyang pamilya dahil busy umano ang mga ito.

At dahil gusto niya na maramdaman na “kaarawan” niya ay siya na mismo ang nagkusa na bumili ng mga party decoration para sa kanyang kaarawan.
View this post on Instagram
Kwento ni Sheena, “FYI: dahil alam kong hindi ako makakapag party gusto ko kahit papaano may picture kami ng family ko na birthday ko lalo na syempre first bday ko kasama ang aking baby Martina. Gusto ko masaya at may vibe naman ng birthday.”

Dagdag niya, “So kahapon lang mismo nag pabili ako ng balloons at ako narin ang nag decorate para sa sarili ko at recycled cake na yan from Martina’s 1st month bday 🤣 e mahilig naman talaga ako mag isip ng theme sa parties. Sa isip ko di naman makakapag handa ang asawa ko dahil busy siya sa work at pagod, ang mommy ko naman syempre pagod kami sa pag-aalaga kay baby. Sanay rin kasi ako na ako gumagawa ng lahat at gusto ko yun.”

Sa kabila nito ay nagpapasalamat pa rin si Sheena sa kanyang pamilya lalo na sa kanyang mister dahil nag-effort ang mga ito na sorpresahin siya sa kanyang kaarawan.
Ani Sheena, “PERO salamat sa aking asawa, family at friends at sabay-sabay niyo pala hinihintay ang 12mn para sa birthday ko! May hinanda pala silang cake, sash at tiara pa 🤣”

Noong December 15, 2020 isinilang ni Sheena ang panganay na anak nila ni Jeron.