Aktres na si Yam Concepcion, ginulat ang milyun-milyong fans matapos ianunsyong engaged na sila ng kanyang long time boyfriend noon pang 2018

Ginulat ni Yam Concepcion ang kanyang milyun-milyong tagahanga matapos niyang ibalitang engaged na sila ng kanyang longtime non-showbiz boyfriend na si Miguel Cuunjieng.

Credit: @yamconcepcion Instagram

Sa kanyang Instagram post, inanunsyo ni Yam ang engagement nila ni Miguel sa pamamagitan ng pagbabahagi ng ilang larawan kuha mula sa nangyaring wedding proposal ni Miguel.

Batay sa lokasyon na naka-pin sa post ni Yam, nangyari ang romantic proposal ni Miguel sa gitna ng kanilang bakasyon sa Niseko, Japan.

Credit: @yamconcepcion Instagram

Makikitang sa gitna ng nagyeyelong lugar na napapalamutian ng mga paper crane ay lumuhod sa kanya ang nobyo para hingin ang kanyang matamis na “Yes”.

Saad naman ni Yam sa caption, “A thousand cranes YES 💍 @mrcuu 12.31.18 11:59pm #747”

Isang netizens naman ang nagtanong kung bakit “2018” ang nakalagay na petsa sa post ni Yam na sinagot naman ng aktres.

Credit: @yamconcepcion Instagram

Ayon kay Yam, itinago nila ang kanilang engagement sa loob ng dalawang taon dahil noong December 31, 2018, ilang oras bago mag-New Year pa pala nag-propose si Miguel sa kanya.

“@charlestiu kept it for 2 years! Haha now the secrets out. Lol thanks Charles 🙂,” sagot ni Yam sa tanong ng nasabing netizen.

Bumuhos naman ang maraming congratulatory messages para kay Yam at Miguel kasunod ng kanilang anunsyo. Komento ng netizens:

Credit: @yamconcepcion Instagram

“I remember we were talking about this..so happy for you yam!!!”

“Yihhaaww! Congratulations Yam! So happy for you!”

“OMG, as a fan of yours @yamconcepcion I am one of the happiest to know that. God bless you TWO for always”

“Oh my! I share your joy @yamconcepcion!!!”

Credit: @yamconcepcion Instagram

“Congrats yam you guys both deserve each other stay in love as always”

Marami ang humahanga sa masayang relasyon nina Yam at Miguel sa kabila ng pagkakaroon nila ng long distance relationship setup. Matatandaang anim na taon nang magkarelasyon sina Yam at Miguel.

At nang tanungin si Yam sa isang panayam kung ano ang sekreto sa masayang LDR setup nila ni Miguel, sinabi ni Yam na pagkakaroon ng tiwala sa isa’t isa at mabuting komunikasyon ang susi para mag-work ang isang LDR.

Noong nakaraang May, lumipad si Yam sa New York kung saan kasalukuyang nakabase si Miguel para makapiling ito matapos ang matagal nilang hindi pagsasama dahil sa pandemya at sa kanyang trabaho.

Credit: @yamconcepcion Instagram

Sa kasalukuyan ay isa si Yam sa mga cast ng sinusubaybayang teleserye ng marami sa telebisyon na “Init Sa Magdamag” katambal sina JM de Guzman at Gerald Anderson.