Bibihira lamang ngayon para sa mga batang artista sa industriya ng showbiz ang pagkakaroon ng kakayahang mag-pull ng nakakabilib na stun+s. Hindi man inaasahan ng marami pero napabilib ng aktres na si Ysabel Ortega ang netizens sa ginawang training niya.
Credit: @ysabel_ortega Instagram
Sinalubong ng 22 year old na Kapuso aktres ang buwan ng Hulyo na pinapakita ang kanyang kakayahan sa pagiging isa sa mga bida sa “Voltes V: Legacy”.
Sa maikling video na ibinahagi niya sa Instagram ay makikita kung paano niya hinarap ang walong kalab@n sa loob lamang ng 30 seconds.
View this post on Instagram
Salungat sa kadalasang role ni Ysabel sa mga teleserye at pelikula noon kung saan ang ginaganapan niyang karakter ay inosente at sweet ay isang mahusay at malakas na karakter ang gagampanan niya sa bago niyang TV series.
Credit: @ysabel_ortega Instagram
Napahanga ni Ysabel ang mga netizen nang ipakita niya ang itinatagong galing bilang paghahanda sa kanyang mga f!ght scenes ng TV series.
Talaga namang all out si Ysabel sa ipinakitang stunt video kahit na training pa lamang niya iyon. Kitang-kita kung gaano niya in-effortan na matutunan ang bawat galaw. Ipinamalas din niya ang kanyang dedikasyon sa pagganap bilang si Jamie Robinson na malapit na mapanood ng publiko.
Credit: @ysabel_ortega Instagram
“Giving my 100% for this role. No m3rcy,” pahayag ni Ysabel sa kanyang caption.
Talaga namang may pinagmanahan si Ysabel dahil ang kanyang ama na si Lito Lapid ay isa ring kilala at mahusay na action star noong kanyang kapanahunan.
Credit: @ysabel_ortega Instagram
Ang “Voltes V” ay isang anime series sa bansang Japan noong 1997. Ito ay tungkol sa mga “human0id al!ens” na sinak0p ang mundo ng mga tao. Matinding b@kbakan ang inaasahan ng marami kung kaya’t ngayon ay sobra ang training na ginagawa ng mga artistang bibida sa nasabing live action na gagawing teleserye ng GMA Network.
Credit: @ysabel_ortega Instagram
Talaga namang nagpa-excite ang video na ibinahagi ni Ysabel para sa napapalapit na pag-ere ng palabas niya sa telebisyon. Dahil dito, ngayon pa lamang ay marami na ang nag-aabang sa pagsisimula nito at gustong mapanood kung ano pa ang mga nakakabil!b na action stun+s ang gagawin ng aktres.