Alamin ang buhay ngayon ng dating tinaguriang Pantasya ng Bayan na si Joyce Jimenez matapos lisanin ang showbiz

Labis na hinangaan ng mga kalalakihan noon ang aktres na si Joyce Herrin Reintegrado-Egbalic o mas kilala sa kanyang screen name na Joyce Jimenez.

Credit: Paul Ely Egbalic Facebook     

Si Joyce ay sumikat noong dekada 90 bilang isang s3xy actress at dahil sa taglay na karisma, kagandahan at kaseksihan ay binansagan siya bilang “Pantasya ng Bayan”.

Siya ay bumida sa maraming pelikula tulad ng “Bilib Ako Sa’yo” (1999), “Ano Bang Meron Ka” (2001), “Pinay Pie” (2003) at “Birhen Ng Manaoag” (2005).

Ipinanganak si Joyce sa Los Angeles, California ngunit nagdesisyon siyang lumipat sa Pilipinas. Sa edad nga na 18 ay naging aktres si Joyce.

Credit: Paul Ely Egbalic Facebook

Bukod sa pag-arte, sinubukan din ni Joyce na sumali sa mga beauty pageant. Noong 1996, sumali siya sa Miss Taguig-Hollywood pageant. Bagaman hindi niya nauwi ang korona, nakuha niya ang titulong Miss Photogenic.

Credit: Paul Ely Egbalic Facebook

Sa kabila naman ng kanyang kasikatan ay nagpasya si Joyce na iwanan ang kanyang karera at pakasalan ang kasintahan na si Paul Ely Egbalic noong 2008. Si Paul Ely ay isang Fil-Am na miyembro ng United States Airforce.

Credit: Paul Ely Egbalic Facebook

Ngayon ay masaya nang naninirahan si Joyce sa San Diego, California kasama ang kanyang asawa at ang kanilang tatlong anak na sina Jorja Ely, Jaysen Elise, at Julia Elysson.

Isa na rin siyang career woman at nagtatrabaho bilang office supervisor. Sinabi naman ni Joyce na hindi niya pinagsisisihan ang kanyang desisyon na iwanan ang kanyang showbiz career para pagtuunan ng pansin ang kanyang pamilya.

Credit: Paul Ely Egbalic Facebook

Hands-on din si Joyce sa pagpapalaki sa kanyang mga anak at ini-enjoy ang kanyang pagiging ina.
Ayon naman sa ulat ng GMA News, na-diagnose ang anak ni Joyce na si Jaysen Elise na mayroong Autism dahilan kung bakit aktibo si Joyce sa pagpapalaganap ng kamalayan tungkol sa nasabing developmental d!sorder.

Credit: Paul Ely Egbalic Facebook

Gayunpaman, kapansin-pansin sa mga social media post ng dating aktres na masaya siya sa buhay na pinili niya.

Madalas mag-post si Joyce sa kanyang social media kung saan kitang-kita ang masaya niyang pamumuhay ngayon.

Credit: Paul Ely Egbalic Facebook

At kahit na maraming taon na ang lumipas mula nang siya ay maging pantasya ng bayan, hindi pa rin kumukupas ang kagandahan ni Joyce.