Alamin ang buhay ngayon ng dekada 90 heartthrob na si Onemig Bondoc pagkatapos mag-retiro sa showbiz

Isa sa mga hindi malilimutang heartthrob at hinahangaan ng maraming kababaihan noong dekada 90 ay ang dating aktor na si Juan Miguel “Onemig” Rivera Bondoc. Matatandaang pinakilig ni Onemig ang mga kababaihan noon dahil sa kaniyang taglay na kagwapuhan at charm.

Credit: tgisgimik Instagram

Ngunit pagkatapos lisanin ang pag-aartista nasaan na nga ba ngayon si Onemig?

Dahil sa kaniyang taglay na kagwapuhan at karisma ay una munang naging commercial model si Onemig bago pumasok sa showbiz.

Credit: 90.sfangirl Instagram

Nagsimula naman siyang makilala ng Pinoy dahil sa mahusay nitong pagganap sa teen-oriented series ng GMA na T.G.I.S o Thank God It’s Sabado.

Simula nang maging parte ng T.G.I.S ay lumabas na rin sa maraming pelikula at programa sa telebisyon si Onemig kagaya ng ‘Villa Quintana’, ‘Growing Up’, ‘Jologs’ at ‘Ganyan Kita Kamahal’.

Credit: 90.sfangirl Instagram

Taong 2006 naman ay napagdesisyunan ni Onemig na mag-retiro na sa showbiz para mag-pokus sa pag-aaral at sa pagma-manage ng kanilang family business. Panganay sa apat na magkakapatid ng mag-asawang Mariano Bondoc Jr. at Milo Rivera ay nakatakdang maging tagapagmana si Onemig ng kanilang negosyo na stock brokerage firm.

Credit: finecraftsmen Instagram

Pagkatapos nito ay napabalitaang ikinasal si Onemig noong December 2009 sa kanyang nobyang si French-Filipina commercial model at aktres na si Valerie Bariou. Sa kanilang pagsasama ay nabiyayaan ng dalawang anak sina Onemig at Valerie at ito ay sina Armelle at Antoine.

Credit: @1mig.bondoc Facebook

Sa kasamaang palad ay hindi rin nagtagal ang relasyon ng dalawa at nagkahiwalay ito dahil marami raw silang hindi napagkakasunduang dalawa.

Dahil rito ay naghain ng petisyon ang dating aktor sa korte noong 2015 para ipaglaban ang kostudiya ng dalawang anak laban sa dating asawa nito.

Credit: finecraftsmen Instagram

Sa isang interview sa Kapuso Talk Show na Startalk ay ibinunyag ni Onemig ang dahilan kung bakit gusto niyang makuha ang solong pangangalaga sa mga anak.

Aniya, “I’m doing this for my kids because sobrang mahal ko yung mga anak ko, na feeling ko hindi siya capable of taking care of her kids.”

Credit: @mikelorenztv Instagram

Sa ngayon ay masaya na sa kaniyang tahimik na buhay si Onemig sa probinsya. Naninirahan ngayon ang dating aktor sa Mariveles, Bataan kasama ang kaniyang mga anak. Bukod sa kaniyang negosyong food franchise ay nahihilig din ito sa cycling.