Alamin ang landas na tinahak ni dating beauty queen Janina San Miguel matapos lisanin ang mundo ng pageantry

Isa si Janina San Miguel sa mga beauty queen na mas piniling mamuhay ng simple at matiwasay kaya iniwan ang kanilang kasikatan.

Credit: @janinasanmiguel.sahota Instagram     

Matatandaang sumikat noon si Janina nang koronahan siya bilang Binibining Pilipinas-World taong 2008. Tumatak sa lahat si Janina dahil sa kanyang naging sagot sa Q&A portion ng prestihiyosong national pageant na may kinalaman sa papel na ginagampanan ng kanyang pamilya sa pagsali niya sa pageant.

Credit: @janinasanmiguel.sahota Instagram

Naging maugong ang pangalan ni Janina dahil sa kanyang sikat na linya na, “I don’t feel any pressure right now.”

Sa edad na 17 ay sumabak na sa nasabing beauty pageant si Janina. Baguhan pa lamang kaya hindi noon inaasahan ni Janina na mapasali sa Top 10 dahil ayon sa kanya, iyon daw ang kauna-unahang pagkakataon na sumali siya sa isang beauty pageant.

Credit: @janinasanmiguel.sahota Instagram

Sa huli, ay naiuwi pa rin ni Janina ang korona. Ngunit kalaunan din ay hindi tinuloy ni Janina ang kanyang pagsali sa Miss World 2008 contest dahil sa p@gp@naw ng kanyang lolo.

Sa isang panayam ay inamin ni Janina na muntik na niyang hindi malaman ang kondisyon ng kanyang lolo noon dahil sa mahigpit na batas ng organizer ng beauty pageant.

Credit: @janinasanmiguel.sahota Instagram

Ito rin ang isa sa mga dahilan ni Janina kaya niya isinuko ang kanyang Binibining Pilipinas-World crown.

Para kay Janina, mas mahalaga pa rin sa kanya ang kanyang pamilya kaya napagdesisyunan niyang bumaba sa kanyang trono at mamuhay ng simple at masaya kasama ang pamilya.

Credit: @janinasanmiguel.sahota Instagram

Hindi naman daw nagsisi si Janina na umalis siya sa maingay na mundo ng beauty pageant.

Credit: @janinasanmiguel.sahota Instagram

Kwento ni Janina, “Nakuha ko na ‘yung experiences. Other than that, wala na. To tell you honestly, I’m really not happy during that time. For me, much important [kasi] ‘yung family ko rather than fortune and fame.”

Taong 2014 ay ikinasal si Janina sa isang Indian national na si Vishal Sahota.

Credit: @janinasanmiguel.sahota Instagram

Sa ngayon, ay masaya na si Janina sa kanyang buhay kasama ang asawang si Vishal at ang kanilang isang anak.

Credit: @janinasanmiguel.sahota Instagram

Ayon sa artikulong inilathala ng GMA news, nagtatrabaho ngayon si Janina bilang isang call center agent sa isang multi-national company.