Alamin ang mga pagsubok na pinagdaanan ni Francine Diaz bago siya naging si Cassandra Mondragon ng teleseryeng Kadenang Ginto

Marami sa mga hinahangaan nating artista ngayon ang dumaan muna sa kahirapan bago narating ang tinatamasang kasikatan at magandang buhay ngayon. Isa na nga rito ang batang aktres at Kadenang Ginto star na si Francine Diaz.

Credit: Francine Diaz Instagram       

Sa segment ng Star Magic na Star Beginnings ay binalikan ni Francine ang kanilang dating buhay bago pa siya pumasok sa pag-aartista.

Pagkukuwento ni Francine, naranasan daw ng kanilang pamilya na malubog sa utang, maputulan ng kuryente at tubig pati na rin mapalayas sa inuupahang bahay dahil hindi na sila nakakabayad ng renta.

Credit: Francine Diaz Instagram

Ibinahagi rin ni Francine na hindi naging madali ang pagpasok niya sa showbiz dahil aminado siyang noong una ay marami siyang kinakatakutan dahil sa kakulangan ng kaalaman sa pag-arte. Inamin din ni Francine na may mga pagkakataong sumagi sa isip niya na hindi talaga siya nababagay bilang artista.

Credit: Francine Diaz Instagram

Aniya, “Sa totoo nga po, ang dami kong fears nu’n eh. Pero ‘yung pinaka-kinakatakutan ko talaga noon, ‘yung mga director. Kasi po dati hindi talaga ako magaling umarte. As in wala akong alam. Alam ko lang kakabisaduhin ko ‘yung lines ko. Kapag pinaiyak ako, iiyak ako.”

Credit: Star Magic YouTube

Dagdag pa niya, “Dati talaga, parang kada-audition namin hindi po talaga ako natatanggap. Palaging may hinahanap sa’kin. Kung hindi ako kulang, sobra naman. Never akong naging enough sa mga napagau-auditionan ko. Kaya minsan naiisip ko nun na baka nga hindi para sa’kin ‘to. Baka pinipilit ko lang.”

Ngunit sa pamamagitan ng pagsisikap at sa tulong na rin ng mga mabubuting tao sa paligid ni Francine ay nalampasan niya ang mga pagsubok na ito.

Credit: Star Magic YouTube

Kaya’t kahit may pagkakataon na gusto niyang sumuko, hindi niya ito ginawa dahil ayaw niyang mapunta sa wala ang lahat ng tulong na ibinigay sa kaniya ng mga ito. Dagdag pa rito, ay pinanghuhugutan din ng inspirasyon ni Francine ang kaniyang pamilya para magpatuloy sa kaniyang karera.

Hindi man naging madali para sa kaniya at sa kaniyang pamilya ay masaya si Francine na dumating ang kaniyang mga pangarap sa buhay sa tamang oras.

Credit: Star Magic YouTube

“Lahat ng meron po ako ngayon hindi naman siya ‘yung tipo, isang bagsakan. Kumbaga lahat po ng meron ako ngayon, dumating siya sa tamang oras.”

Ngayon ay natupad na ni Francine ang simpleng pangarap ng kanilang pamilya at ‘yon ay magkaroon ng laman ang kanilang refrigerator.

Credit: Francine Diaz Instagram

Dahil sa kaniyang galing sa pag-arte bilang si Cassandra Mondragon sa Kapamilya teleserye na Kadenang Ginto ay nag-iwan ng marka si Francine sa manonood.

Credit: Francine Diaz Instagram

Sa edad na 16 years old ay nagsisilbing breadwinner ngayon si Francine sa kaniyang pamilya.