Madalas nating marinig ang nakaka-inspire na istorya ng buhay ng mga hinahangaan nating tanyag na personalidad.
Sa istorya ng kanilang buhay ay madidiskubre natin na bago pa man nila maabot ang kasikatan at magandang buhay na tinatamasa nila ngayon, nagkaroon muna sila ng ibang trabaho na malayo sa tinatahak nilang karera ngayon.
Alamin sa listahang ito ang mga pinasok na trabaho noon ng ilan sa mga sinusundan nating personalidad bago nila pinasok ang pag-aartista o naabot ang tugatog ng kasikatan.
1. Manny Pacquiao
Credit: @mannypacquiao Instagram
Tinagurian bilang “Pambansang Kamao ng Pilipinas” si Manny Pacquiao. Ngunit alam ba ninyo na bago siya maging isang kilalang boksingero ay iba’t ibang klase ng trabaho muna ang kanyang sinubukan para makatulong sa kanyang pamilya sa Saranggani?
Bago mag-uwi ng maraming boxing titles si Manny ay nagtrabaho muna siya bilang isang construction worker, sampaguita vendor, panadero at marami pang marangal na trabaho sa kanilang probinsya. Sa ngayon, nagsisilbing senador si Manny matapos manalo ng maraming titulo sa boksing.
2. Jak Roberto
Credit: @jakroberto Instagram
Nagtrabaho naman noon ang Kapuso hunk actor at vlogger na si Jak Roberto bilang tagapintura ng mga lapida sa sementeryo bago siya nagkaroon ng break sa showbiz. Sa kasalukuyan, patuloy na dumarami ang fans ni Jak at subscribers sa kanyang sariling YouTube channel.
3. Richard Gomez
Credit: @richardgomezinstagram Instagram
Isa sa mga respetadong aktor ng kanyang henerasyon ang actor-turned-politician na si Richard Gomez. Ngunit bago siya pumasok sa showbiz ay nagtrabaho muna si Richard bilang isang service crew ng isang fastfood chain kung saan ay naging daan din para madiskubre siya.
4. Jelai Andres
Credit: @jelaiandresofficial Instagram
Nakipagsapalaran noon sa bansang Qatar si Jelai Andres bilang isang receptionist sa isang real-estate company bago siya sumikat bilang isang social media influencer. Maliban naman sa pagiging OFW, nagtrabaho rin noon si Jelai bilang isang round girl para sa boxing match ni Manny Pacquiao.
5. Carla Abellana
Credit: @carlaangeline Instagram
Iniwan naman ni Carla Abellana ang kanyang dating corporate job para maging isang artista. Matatandaang sa isa niyang vlog, ibinahagi ni Carla sa lahat na nagtatrabaho siya noon bilang isang HR Associate para sa Rockwell Land Corporation.
6. Michael V.
Credit: @michaelbitoy Instagram
Una namang nagtrabaho bilang isang taga-desenyo ng Christmas o Halloween decors ang multi-talented comedian na si Michael V bago siya pumasok sa showbiz. Sa kanyang ‘Bitoy Story’ vlog ay ikwenento ni Michael V. na ang kanyang trabaho noon ay “mag-drawing, mag-sculpt at mag-paint ng prototypes ng mga figures na pang-display during Christmas, Halloween, at saka Easter.”