Alamin ang naging tugon ni Dawn Zulueta sa isang netizen na nagbigay ng pabirong komento sa kanyang post na kita ang kanyang mamahaling bisikleta

Isa ang pagbibisikleta sa mga pinagkakaabalahan ngayon ng aktres na si Dawn Zulueta habang nasa bahay lang.

Sa isang Instagram post ay nagbahagi ang aktres ng kanyang larawan sakay ng kanyang paboritong bisikleta. Bakas sa mukha nito ang saya habang nagbibisikleta.

Credit: Dawn Zulueta Instagram

Aniya sa caption ng post, [email protected] Life-behind-bars: Nothing compares to the simple pleasures of a bike ride. Especially when coupled with ol-fashioned things like early morning fresh air and sunshine. Happy weekend! #quarantinelife #stayfit #rideyourbike #brompton #bicycle #bromptonnbicycle #foldingbike #favoritethings”

Ngunit bukod sa hindi kumukupas na ganda ni Dawn ay nakaagaw pansin din sa mga netizen ang mamahaling folding bike nito.

Credit: Dawn Zulueta Instagram

Sa katunayan, isang netizen ang tahasang nag-komento sa post ni Dawn na ibinibida ang kanyang mamahaling bike.

Credit: Dawn Zulueta Instagram

Komento ng nasabing netizen, “konting sensitivity naman p0e maam dawn. Hindi lahat po tayo ay nakakalabas ng bahay at hindi lahat tayo ay may ganyang kagandang kutis”

Kapansin-pansin din ang naging komento ng netizen lalo nang banggitin nito ang pangalang “Agot”.
Saad ng netizen, “Kapag nakita po yan ni Agot, naku po. hahahaa char ganito pala feeling ng basher mo mama. nakakakilabot.”

Credit: Dawn Zulueta Instagram

Tugon naman ni Dawn sa komento ng netizen, “ang k!lljoy di ba?”

Madali namang nakuha ng marami kung sinong “Agot” ang tinutukoy ng netizen sa kanyang komento.

Credit: Dawn Zulueta Instagram

Kahit hindi tinukoy ng netizen ang apelyido ni “Agot” ay ikinunekta agad ito sa aktres na si Agot Isidro. Kamakailan lang kasi nang mag-trending si Agot dahil sa komento nito sa post ni Jinkee Pacquiao kung saan ibinida ni Jinkee ang kanilang bisikleta na may tatak ng isang luxury brand.

Credit: Dawn Zulueta Instagram

Sinabihan ni Agot ang asawa ni boxing champ-senator Manny Pacquiao na makiramdam daw sa sitwasyon ng ibang Pilipino na nahihirapan ngayon dahil sa [email protected] Parang pinapalabas ng aktres na “insensitive” si Jinkee.

Kung iisipin ay may pagkakatulad nga ang post ni Jinkee at Dawn kaya nabanggit ng netizen si Agot. Kagaya kasi ng post ni Jinkee ay ibinida rin ni Dawn ang kanyang mamahaling folding bike na gawa ng London-based company na Brompton Bicycle. Sa mga hindi nakakaalam, nagkakahalaga ng hindi bababa sa P50K hanggang P250K ang bisikleta ni Dawn ayon na rin sa online shop na eBay.

Credit: Dawn Zulueta Instagram

Wala naman daw ibig iparating si Dawn sa naging tugon niya sa komento ng netizen kaya ‘wag nalang daw isama si Agot sa usapan.

Credit: Dawn Zulueta Instagram

Ani Dawn, “@itssally_zg pero wag na natin isama si Agot sa usapan. Natawa lang ako sa “basher” mode.”

Samantala, maraming netizen ang humahanga sa kagandahan ni Dawn kahit nasa kanyang 50s na ito. Kutis bata at mukhang hindi tumanda ang aktres bagay na kapansin-pansin sa kanyang mga social media post. Karapat-dapat talaga itong bansagan bilang isa sa may pinakamagandang mukha sa mundo ng showbiz.