Alamin ang nakakatawang reaksyon ni Vicki Belo matapos siyang pakainin ng street foods nila Melai Cantiveros at Jason Francisco

Kilala tayong mga Pinoy na mahilig kumain ng mga streetfood. Ngunit may iilan pa rin sa atin ang hindi sanay kumain ng mga streetfood. Isa nga rito si celebrity doctor Vicki Belo.

Credit: Dr. Vicki Belo YouTube           

Gayunpaman, kahit hindi sanay na kumain ng mga streetfood ay game na game pa rin itong tinanggap ang hamon sa kanya ng isa sa mga pinakasikat na celebrity couple ngayon sa bansa, ang tambalang Melai Cantiveros at Jason Francisco o mas kilala bilang MelaSon couple.

Credit: Dr. Vicki Belo YouTube

Nitong October 29 ay kumasa si Dra. Vicki sa “streetfood challenge” kung saan ay iba’t ibang klase ng streetfoods ang kanyang tinikman. Sa pinakabagong vlog ni Dra. Vicki, matapang niyang tinanggap ang challenge ng MelaSon couple.

Sumulong mismo sa napakagandang bahay ni Dra. Vicki ang MelaSon para ipatikim kay Dra. Vicki ang dala nilang streetfoods.

Credit: Dr. Vicki Belo YouTube

Sa simula pa lamang ng vlog, inamin na ni Dra. Vicki na hindi niya alam ang pangalan ng iba’t ibang streetfoods na dala ng MelaSon.

Kabilang sa mga dinalang streetfood ng MelaSon ay Balot, kwek-kwek, squidballs, barbeque, adidas, isaw, betamax at chicken head.

Credit: Dr. Vicki Belo YouTube

Mapapanood naman ang nakakatawang reaksyon ni Dra. Vicki habang ini-introduce sa kanya ng Melason ang mga streetfood.

Hindi pa man kumakain ng mga streetfood ay sinabi na ng doktora na, “Hindi na ako makahinga. Nagha-hyperventilate na ako.”

Credit: Dr. Vicki Belo YouTube

Unang tinikman ng celebrity doctor ang Penoy o nilagang itlog ng bibe. Nakakagulat man ngunit inamin ni Dra. Vicki na gusto umano niya ang Penoy.

Aniya, “Akala n’yo ha? I love Penoy. No, I like this. This is good.”

Sunod na tinikman ni Dra. Vicki ang kwek-kwek, squidball at kikiam.

Credit: Dr. Vicki Belo YouTube

Matapos matikman ang apat na klase ng streetfood ay tila ayaw nang magpatuloy ni Dra. Vicki sa streetfood challenge ng MelaSon.

Credit: Dr. Vicki Belo YouTube

Ang susunod kasi niyang titikman ay ang sikat na isaw. Napangiwi naman si Dra. Vicki nang matikman na niya ang isaw. Sambit ni Dra. Vicki, “Ano ‘to?! Hmmm. Ang bitter! Weird…”

Credit: Dr. Vicki Belo YouTube

Napuno naman ng tawanan ang vlog dahil sa nakakatawang sagot ni Melai sa tanong ni Dra. Vicki.
Pabirong sagot ni Melai, “‘Yun ‘yung mga nakain [ng manok]!”

Credit: Dr. Vicki Belo YouTube

Dagdag naman ni Jason, “The bitter, the better.”

Credit: Dr. Vicki Belo YouTube

Hindi naman nakayanan pa ng celebrity doctor na kumain ng Adidas o chicken feet at nagtawag ito ng back-up sa katauhan ng kanyang asawang si Dr. Hayden Kho.

Credit: Dr. Vicki Belo YouTube

“I really cannot do this. No, I cannot. Oh my god. Ayaw ko talaga,” sabi ni Dra. Vicki habang kinukumbinsi siya ng Melason couple.

Credit: Dr. Vicki Belo YouTube

Samantala, maraming netizen naman ang naaliw sa streetfood challenge video ni Dra. Vicki kasama ang Melason couple.

Credit: Dr. Vicki Belo YouTube

“Dr. Belo super kind and humble ❤️ melay and jason are so funny tho 😂❤️”

“This is so funny, watching this while eating my dinner hahahaha”

“Tawang tawa ako Kay melai!! Hahaha”