Alamin ang nakakatuwang sagot ni Gloria Diaz sa tanong ng anak na si Isabelle Daza kung ilang lalaki na ang nakarelasyon niya

Marami ang natuwa at nagulat sa naging sagot ni beauty queen-actress Gloria Diaz sa mga tanong ng kanyang anak na si Isabelle Daza patungkol sa kanyang mga nakarelasyon.

Credit: Gloria Diaz Instagram

Sa isang video na ibinahagi ni Isabelle sa kanyang Instagram page ay mapapanood siyang inuusisa ang ina kung ilang lalaki na ang dumaan sa buhay nito.

Nakakita ng oportunidad si Isabelle na itanong sa ina ang mga bagay na matagal na niyang gustong itanong habang nagbabakasyon sila sa Calatagan, Batangas.

Credit: Isabelle Daza Instagram

“Snippet of my first weekend back with my mom @gloria.diaz69. Just asked her a few things i was curious to know…😛,” ani Isabelle sa caption ng IG post.

Unang tinanong ni Isabelle kung ilang lalaki na ang dumaan sa buhay ng kanyang ina. Ani Isabelle sa video, “Now tell me, how many guys did you hook up with in your life?”

Credit: Isabelle Daza Instagram

Sagot naman ni Gloria, “Maybe one every other week.”

Mukhang alam ni Isabelle na nagbibiro lang ang kanyang ina kaya naman hinimok niya ito na magseryoso.

Credit: Isabelle Daza Instagram

Saad ni Isabelle, “The truth!”

Sa una ay tatlong lalaki ang sinabi ni Gloria na naging karelasyon niya kaya lang hindi naniniwala si Isabelle rito.

Napilitan naman si Gloria na magsabi ng totoo, “Sige na nga five!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Isabelle Daza (@isabelledaza) on

Pinangalanan naman ni Gloria ang dalawa sa limang lalaking nakarelasyon niya bilang tugon sa kahilingan ni Isabelle.

Isa raw rito ang dating asawa niyang si Bong Daza, ang ama ng tatlong anak niya na sina Isabelle, Raphael at Ava. Pangalawa naman ang kanyang kasalukuyang boyfriend na si Mike de Jesus na isang banker at siyam na taon na mas bata sa kanya.

Credit: Gloria Diaz Instagram

Mukhang bukas naman si Gloria na dagdagan ang listahan niya ng mga lalaki.

Pahayag niya, “My husband and my boyfriend and maybe someone yet in the future. It’s never too late.”

Si Gloria Diaz ang unang Pilipina na nakasungkit ng prestihiyosong Miss Universe title noong 1969. Sa edad na 18 taong gulang ay pinabilib ni Gloria ang lahat sa kanyang taglay na kagandahan at katalinuhan.

Maliban dito ay isa rin si Gloria sa mga hinahangaan aktres noong dekada ’70 magpahanggang ngayon.

Credit: Gloria Diaz Instagram

Ilan sa mga parangal na naiuwi ni Gloria ay dalawang FAMAS Award for Best Supporting Actress, Gawad Urian Award for Best Supporting Actress at PMPC Star Award for Movie.