Alamin ang top 10 na paboritong travel destinations ng aktres na si Bea Alonzo

Nagdulot talaga ng maraming bagay na hindi inaasahan ng lahat ang p@ndemya. Nagkaroon ng maraming pagbabago at nagdulot ng mga suliranin sa karamihan. May mga nawalan ng trabaho, maraming napilitan na magsara ng negosyo, at nalimitahan ang mga oportunidad. Upang mabawasan ang mga positibong kaso ng cOvid-19 ng Pilipinas, marami ang ipinagbawal at kasama na rito ang pagtatravel.

Credit: @beaalonzo Instagram

Marami ang nalungkot dahil maaaring hindi sila makauwi sa kanilang pamilya. Naging malungkot ito lalo na sa mga taong mahilig at gusting makapagbakasayon sa iba’t-ibang bansa upang makapag-relax.

Nasa ilalim ng striktong qu@rantine ang buong Pilipinas upang hindi maiwasan ang pagkalat ng virus, hindi talaga maitatanggi na na nakakamiss ang pagta-travel, lalo na ng mga sikat na artista na nakahiligan na ang pagbabakasyon sa ibang bansa.

Credit: @beaalonzo Instagram

Isa na rito si Bea Alonzo. Nami-miss na niya ang pagta-travel abroad na nakasanayan na niya buong career niya sa showbiz. Dahil sa nostalgic feeling na kanyang naramdaman habang nagsu-scroll ng kanyang mga photos at nakita ang mga travel pictures niya noon na nag-udyok sa kanya na gumawa ng vlog at ibinunyag ang kanyang sampung paboritong lugar na kanyang napuntuhan.

Masaya niyang binalikan ang mga masasaya at magagandang alaala na mayroon siya noong nandoon siya sa mga lugar na iyon at ibinahagi ito sa lahat.

Credit: @beaalonzo Instagram

Isa sa mga na-miss ng aktres ay ang makasalamuha ang mga tao sa iba’t-ibang bansa, matuklasan ang kanilang kultura, at matikman ang mga patok na pagkain ng bawat lugar.

“I just miss meeting new people, being able to learn about different cultures, and being able to try new cuisines,” sabi ng aktres nang umpisahan ang kanyang latest vlog.

Credit: @beaalonzo Instagram

Ipinakita niya ang kanyang mga litrato sa bawat paboritong lugar na kanyang napuntahan. Ibinahagi niya ang kanyang mga masasayang alaala na hinding-hindi niya magagawang kalimutan kahit sa pagtanda. Ang kanyang sampung paboritong lugar ay Paris, Dubai, Prague, Germany, Denmark, Amsterdam, Japan, Vienna, Norway, at Italy.

Credit: @beaalonzo Instagram

Makikita naman sa mukha at ekspresyon ni Bea ang kagalakan niya na maibahagi ang kanyang mga karanasan sa bawat lugar. Mas lalo niyang nami-miss ang pagta-travel nang patuloy siya sa pagkukuwento at pagbabagi ng kanyang mga masasayang alaala habang ipinapakita ang mga larawan niya sa nabanggit na mga lugar.

“If you were to ask me where I would go after this p@ndemic, I would go visit Switzerland, Greece, Turkey, Vietnam, Iceland, and Finland,” sinabi ni Bea.

Credit: @beaalonzo Instagram

Umaasa ang aktres na matapos na ang kasalukuyang pinagdadaanan ng mundo para muling bumalik sa normal ang buhay ng lahat at makita ulit ang mundo ng normal.