Alamin kung aling outfit ni Ivana Alawi ang nakatanggap ng perfect 10 rating mula sa kanyang ina

Hindi maikakailang binago ng p@ndemya ang paraan natin ng pananamit. Dahil ipinagbabawal pa rin ang mga party at karamihan ay naka-work from home setup, kaya naman bihira nalang nating masuot ang ating mga bongga at magagarang damit.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Ang ilan naman sa atin ay hindi maiwasang ma-miss na mag-style at magsuot ng mga fashionable outfit.

Isa na nga rito ang YouTube star-actress na si Ivana Alawi na kamakailan lamang ay ibinida ang ilan sa kanyang magagarang outfit na kung wala lamang p@ndemya ay susuotin niya sa kanyang mga lakad.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Sa kanyang pinakabagong vlog na may pamagat na “MAMA RATES MY OUTFITS”, nagdamit ng magagandang outfit si Ivana na ipina-rate naman niya sa kanyang ina na si Fatima.

Para sa kanyang unang outfit, umawra si Ivana suot ang isang matching jacket at skirt na pinaresan niya ng knee-high boots at green bag.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Medyo nadismaya naman si Ivana dahil 5 lamang ang ibinigay na score ng kanyang Mama Alawi para sa kanyang unang outfit.

Sa kanyang pangalawang outfit ay nabuhayan naman ng loob si Ivana dahil malapit na sa 10 ang ibinigay na score ng kanyang ina.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Nagustuhan nga ni Fatima ang pangalawang outfit ni Ivana na isang nude high-waisted wide leg pants, long sleeve turtleneck top at isang beret hat kaya naman binigyan niya ito ng score na 9.

9 din ang ibinigay na rate ni Fatima sa ikatlong outfit ni Ivana na isang puting sleeveless bodycon dress.

Sa puntong ito ng video, medyo na-stress na si Ivana dahil hindi niya makuha-kuha ang perfect 10 score.

Credit: Ivana Alawi YouTube

“Ang hirap mo namang pasayahin, Ma,” ani Ivana.

Sa kabila nito, pinuri ni Ivana ang ugali ng kanyang ina dahil hindi umano ito mahilig na palakihin ang kanilang ulo sa pamamagitan ng pagbibigay ng labis-labis na papuri.

Aniya, “‘Yung nanay ko hindi niya laging pinapalaki ang ulo ko. We still stay humble kasi nga parang lagi niyang sinasabi na ‘Oh, huwag ninyong masyadong purihin iyong sarili ninyo ‘di ba?'”

Credit: Ivana Alawi YouTube

Samantala, break muna si Ivana sa mga sosyal na damit dahil sa kanyang pang-apat na damit ay isang street style outfit ang kanyang ibinida na nakakuha ng 9.1 rating mula kay Fatima.

Nakakuha naman ng 8.5 score ang ikalimang outfit ni Ivana. Habang ang ikaanim na outfit nito ay binigyan ng 9.5 score ni Fatima.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Sobrang lakas namang maka-sosyal ng pinakahuling outfit ni Ivana na Paris fashion-inspired.
Sa ganda ng outfit ni Ivana ay binigyan ito ni Fatima ng isang perfect 10 score.

Sa huli ay sinabi ni Ivana na nagsusuot lamang siya ng magagarang damit kung may espesyal na okasyon.

Aniya, mas komportable pa rin umano siya na magsuot lamang ng kanyang mga nakasanayang damit na sando at shorts.